Friday , November 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Rabiya Mateo, kamukha ni Shamcey Supsup

Rabiya Mateo, kamukha ni Shamcey Supsup

NABUHAY ang mga spoiler ng Miss Universe Philippines 2020 pageant na napanood kahapon sa GMA Network!

Eh pre-taped na kasi ang contest kaya naman hindi pa tapos sa TV ang labanan, may resulta nang naglabasan sa social media.

Bago ang announcement ng winners sa TV, heto ang naglabasan sa social media sa ilang accounts:

1. Rabiya Mateo – Miss Universe Philippines 2020
2. First runner-up – Miss Paranaque – Ysabella Ysmael
3.Second runner- up – Miss Quezon City–Michelle Gumabao
4. Third runner-up – Bohol – Pauline Annelinckx
5. Fourth runner-up – Cavite – Billie Hakenson.

Pati nga ABS-CBN News ay may tweet na si Miss Iloilo ang winner ng Miss Universe Philippines. Watch din sila sa pageant na dating napapanood sa Channel 2.

Naku, hindi na namin hinintay ang announcement ng winners dahil hindi naman isasakripisyo ng mga spoiler na ito ang kanilang kredibilidad dahil sa pageant, huh!

Napansin lang namin na kamukha ni Shamcey Supsup si Rabiya. Si Shamcey ang isa sa likod ng Miss Universe Philippines!

Jun Nardo

About Hataw Tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top