Thursday , April 25 2024

Super Tekla, mariing itinanggi ang paratang ni Michelle — Hindi totoo ‘yan, nasa tamang katinuan ako

TULAD ng nasulat namin dito sa Hataw kahapon ay sinabi naming bukas ang pahayagang ito para sa panig ni Super Tekla o Romeo Librada na common-law husband ni Michelle Lhor Bana-ag na inireklamo siya sa programs ni Raffy Tulfo nitong Oktubre 20.

Nitong Oktubre 21 ay nakapanayam ni Mr. Tulfo ang kaibigan ni Tekla na si Donita Nose at manager nitong si Rose Conde na pareho nilang dinipensahan ang komedyante at hindi raw makakapagsalita sa programang Raffy Tulfo in Action dahil gusto sa GMA News muna magpaliwanag bilang contract artist siya ng nasabing network na naintindihan naman ng radio host.

At base sa panayam ng GMA news kay Tekla, mariin nitong itinanggi ang mga paratang ni Michelle.

HINDI ko magagawa ‘yan, utang na loob may anak akong babae. Binabato mo ako ng isyu na pinipilit kita sa ganyang bagay, usapin natin Michelle ‘yan, usapin ng pamilya ‘yan. Isang napakasensitibong usapin ‘yan Michelle,” giit ni Tekla sa ina ng anak niyang apat na buwang gulang.

Sa pagpapatuloy pa, “Sana man lang nag-isip ka. Pinag-isipan mo kung ano ang maaapektuhan. Hindi totoo ‘yan, ako nasa tamang katinuan pa naman ako, hindi ko magagawa ’yan Michelle.

“Utang na loob may anak akong babae Michelle, si Aira, may mga kapatid akong babae. Mahirap lang kami Michelle, sa bukid. Alam mo ang background ng family ko (umiiyak na pahayag ni Tekla).

“Parte ng pagsasama natin ‘yan Michelle, na ipinagkakait mo sa akin. Ginagawa mo akong tanga at timawa riyan, ’yun ang totoo, pero nag-a-adjust ako kasi nanay ka ng anak ko, eh.”

Hindi rin daw totoong ginugutom ni Tekla ang mag-ina niya kasama na ang mga pamangkin.

Hindi ko kayo ginugutom, alam mo ‘yan. Alam n’yo ‘yan Shabi, alam n’yo ’yan Enrico, lahat naglaan pa ako ng GCash para sa inyong lahat para anytime hindi na lalabas dahil pandemic,” susog pa ng TV host/comedian.

Nabanggit na hindi nito puwedeng gutumin ang anak na si Baby Angelo na ilang beses inopera dahil sa anorectal malformation.

Siya (Michelle) ang hindi pumupunta sa ospital. Ako, kani-kanino ako lumapit ng tulong para maligtas ‘yang batang iyan dahil hindi mo inalagaan iyan sa sinapupunan mo. Alam mo ang kuwento niyan, Michelle,” diin pa.

Sabi pa, “‘Di pa nagsi-sink in sa utak ko na gagawin ‘yun sa akin. Unang-una, wala akong kaalam-alam, pinlano nilang lahat, kung titingnan mo ‘yung video, wala akong kaalam-alam.

“Michelle, karapatan mo ‘yun, karapatan mo ‘yun, noong una pa lang binlock n’yo na ako sa Facebook, wala akong idea nagkalabuan tayo. Gusto mong makipaghiwalay sa akin. Hindi ko pinagsisiksikan ‘yung sarili ko sa inyo Michelle.

“Alam mo ‘yan sa sarili mo. Alam mo ‘yan, Michelle. Six years. Magsi-six years, anim ko kayong inaruga. Six years, wasted lahat?”

At klinaro rin ni Tekla na hindi siya gumagamit ng ipinagbabawal na gamot at anumang oras ay handa siyang magpa-drug test.

Samantala, sa kanyang radio program ay sinabi ni Mr Raffy na baka puwedeng pag-usapan nila ito at mag-ayos na pero tumanggi si Michelle at umaming gusto niyang makulong si Tekla dahil sa mga pang-aabusong ginawa sa kanya at sa anak nila.

Nananatiling bukas ang pahayagang Hataw para kina Michelle at Tekla.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

 

About Reggee Bonoan

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *