Friday , November 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Pia Wurtzbach, iwas-media, iwas madla pa rin
Pia Wurtzbach, iwas-media, iwas madla pa rin

Pia Wurtzbach, iwas-media, iwas madla pa rin

NAMAMAYAGPAG sina Catriona Gray at Gloria Diaz, pero iwas-media at iwas-madla si Pia Wurtzbach.

Nagtatago ba si Pia sa media at sa madla? Hanggang kailan kaya gagawin ito ng Miss Universe 2015? ‘Di kaya siya biglang malaos sa kakatago n’ya? Mauungusan na naman siya ni Miss Universe 2018 na si Catriona.

Nagsimula ang pagtatago ni Pia noong October 11, nang lumabas sa Instagram ang ratsadang panlalait sa kanya at sa kanilang ina ng nakababatang kapatid niyang si Sarah Wurtzbach.

“Ang baho ng mga buhay n’yo!” bulalas ni Sarah sa unang post n’ya sa Instagram (@sarahwurztbach) na nasundang ng apat o lima pa.

Noong araw na ‘yon, ‘di na nag-post sa Instagram (@piawurztbach) n’ya si Pia. Pagkatapos ng walong araw (October 19) ay at saka na lang siya nag-post uli pero ang ipinost n’ya ay throwback pictures n’ya sa isang resort farm sa Batangas. Ibig sabihin ay mga lumang litrato na ‘yon, kaya’t di malalaman mula sa post na ‘yon kung nasaan siya.

Habang isinusulat namin ito ay ‘yung throwback pics pa rin n’ya ang nasa Instagram n’ya. Malamang na ‘yon din ang nasa Twitter n’ya dahil pwedeng isang pindutan lang sa mga cyber gadget ang Instagram at Twitter (pati na Facebook).

Ni-review namin ang Instagram posts n’ya at nadiskubre naming hanggang noong October 10 ay halos every other day siyang nagpo-post sa nasabing social media platform.

Madalas ay tie-up sa mga ini-endorse n’yang produkto, kompanya, o advocacy ang mga ipino-post n’ya. Malamang ay pa-bonus n’ya ‘yon sa mga kontrata n’ya. Pero nagpo-post din nga siya ng personal events sa buhay n’ya, gaya nga niyong birthday n’ya noong September 24 na sa London n’ya ipinagdiwang at kung saan nakabase si Sarah at ang kanilang ina na si Cheryll Alonzo Tyndall (ang Tyndall ay ang apelyido ng second husband ng ina nina Pia at Sarah).

Noong October 14 ay ibinunyag ni Sarah na nagkaayos na silang magkapatid, pero ‘di pa silang mag-ina. Gayunman, patuloy pa ring ‘di nagpo-post si Pia sa Instagram n’ya. Hindi rin sumipot noong October 13 si Pia sa digital talk show n’yang Queentuhan, kaya’t ang nag-show lang ay ang kapwa beauty queens n’yang sina Bianca Guidotti at Carla Lizardo. 

‘Yon ang last episode ng Season 2 ng Queentuhan, at ipinangako ni Carla na sa susunod na episode ay tiyak na kasama na nila uli si Pia.

Pero ‘di natuloy ang supposedly ay first episode ng Season 3 ng digital show nila na Queentuhan dahil nga siguro ‘di na naman makararating si Pia.

May mga nagsususpetsang lihim na bumalik sa London si Pia para aluin ang kapatid n’yang nanghihingi ng iba’t ibang klaseng “support” sa kanya (kabilang na ang financial) at ayusin ang relasyon ni Sarah sa kanilang ina. Pero kung nakarating nga roon si Pia, bakit walang naka-spot sa kanya sa airport sa Pilipinas o sa London at palihim siyang kinunan ng litrato na pwedeng i-post sa alinmang social media platform. May reputasyon ang mga netizen na Pinoy na napaka-alistong palihim na kumuha ng litrato ng celebrities na ayaw magpalitrato kahit na sa isang lugar na publiko.

At habang nagtatago at umiiwas sa madla at sa media, ang dalawang kapwa Miss Universe titlists ni Pia na sina Catriona at Gloria ay namamayagpag sa TV ngayon, partikula na sa television.

Isa si Catriona sa mga seksing-seksing host-performers ng Sunday Noontime Live, ang bagong weekly musical variety ng Kapatid Network, mula sa blocktimer na Brightlight Productions. 

Sa kabilang bansa, si Gloria naman ay nasa lead cast ng sitcom na Oh, My Dad sa TV5 pati na nagtatampok din kina  Ian Veneracion, Dimples Romana, Sue Ramirez, Louise Abuel, Adrian Lindayag, at Ariel Ureta. 

May business manager si Pia at wala rin naman itong gustong ipahayag tungkol kay Pia sa mga araw na ito na may inaasikasong “private family matters” ang Miss Universe 2015 at ‘di raw dapat pakialaman ‘yon ng madla.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top