Friday , November 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Neil Coleta, ratsada sa paggawa ng pelikula
Neil Coleta, ratsada sa paggawa ng pelikula

Neil Coleta, ratsada sa paggawa ng pelikula

KAHIT pandemic, ratsada sa rami ng trabaho si Neil Coleta na dalawang pelikula ang magkasunod na gagawin.

Ngayon nga ay naka-lock-in ito sa Pampanga ng ilang araw para sa shooting ng No Premanent Adress kasama ang iba pang cast.

Ayon kay Neil, “Naka-lock-in po kami ngayon sa Pampanga. Maganda itong film  kasi sa title pa lang, alam mo ng kakaiba ito. Bukod sa mahuhusay na artista ang mga kasama ko rito.

“Bale kasama ko sina Empress (Shuck), Stephanie (Sol), at Martin (Escudero). Mga aktibista kami rito.”

Bukod sa No Permanent Address, makakasama rin si Neil sa pelikula ng Mayward (MayMay Entrata at Edward Barber) pero ayaw pa nitong i-reveal ang title ng movie.

“After po ng shoot ko sa Pampanga diretso na ako ng Bataan para naman sa movie ng Mayward under Star Cinema.

“Ayoko munang i-reveal ‘yung title ikukuwento ko na lang po sa inyo kapag nagsimula na akong mag-shooting ng movie.

“Basta promise ko maganda rin itong movie na gagawin namin ng Mayward,” pagtatapos ni Neil.

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top