Wednesday , September 24 2025
Sipat Mat Vicencio

Maling ‘galaw’ ni Velasco

MARAMI ang nag-akala na sa pagkakaluklok ni Rep. Lord Allan Velasco bilang bagong speaker ng House of Representatives, ang mga tapat at kakamping kongresista nito ay mabibigyan ng puwesto matapos masibak si dating Speaker Alan Peter Cayetano.

Pero marami ang nagkamali sa mga kaalyadong kongresista ni Velasco, dahil sa halip na sila ay ilagay sa mga pangunahing komite, ang mga sipsip kay Cayetano na mambabatas ay patuloy pa rin ang pananatili at pamamayagpag sa kani-kanilang magagandang puwesto.

Isang halimbawa na rito si Majority Floor Leader Martin Romualdez na sa kabila ng pagiging matapat at sunod-sunuran kay Cayetano ay nanatili pa rin sa kanyang posisyon.

Tulad ni Romualdez, marami rin ang nagtataka kung bakit binigyan pa ng committee chairmanship si Pampanga Rep. Mikey Arroyo samantalang alagad din ito ni Cayetano. Si Arroyo ay kabilang sa tinatawag na Team Cayetano na nagtungo sa Malacañang para kausapin ang pangulo at kumbinsihin ito na ipagpaliban ang term-sharing sa speakership.

At bakit tahimik din si Velasco sa tinaguriang “Magnifcent 4”?  Sina Rep. Mike Defensor, Rep. Rodante Marcoleta, Rep. Pidi Barzaga, at Rep. Boying Remulla ay sumikat noong kasagsagan ng pagdinig sa prangkisa ng ABS-CBN at talagang masasabing mga sagad-sagaring pro-Cayetano.

Bagamat nasibak na sa kanyang puwesto si Rep. LRay Villafuerte, marami pa ring kongresistang kakampi ni Cayetano ang kailangang tanggalin sa kani-kanilang posisyon dahil hindi rin magiging maganda ito para sa mga kongresistang sumuporta kay Velasco.

Ilan sa mga sinasabing sanggang-dikit ni Cayetano ay sina Rep. Dan Fernandez, Rep. Jose Antonio Sy-Alvarado, Rep. Eric Yap, Rep. Raneo Abu, Rep. Robert Barbers at iba pang mambabatas na unti-unting lumalapit kay Velasco para hindi mabulabog ang kanilang puwesto.

Kaya nga, kailangang kumilos kaagad si Velasco at tuluyang gumawa ng aksiyon bago magtampo at mawala ang suporta ng kanyang mga tunay na kakamping mambabatas. Ayaw nating dumating ang panahong mabigla na lamang si Velasco at wala na siyang suporta sa Kamara.

Mapanganib at mabalasik ang mga balimbing na politiko. Kailangang mag-ingat si Velasco dahil ito ang wawasak sa kanyang liderato. Pagsisimulan ito ng intriga at sigalot sa pagitan ng kanyang mga tunay na supporter at dating kaalyado ni Cayetano.

Hindi pa huli ang lahat, unahing purgahin ni Velasco ang mga mambabatas na nagpakita ng pagiging arogante sa kanilang puwesto. Ang mga sumamba kay Cayetano ay hindi kailangang manatili sa kanilang kapangyarihan at kinakailangang kalusin kaagad.

Mag-ingat sa kamandag ng mga ahas na politiko dahil ito ang sisira sa liderato ni Velasco.

SIPAT
ni Mat Vicencio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Ito na sana ang simula

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NASA 30,000 hanggang 50,000 Filipino ang dumagsa sa lansangan, …

Firing Line Robert Roque

Hustisya para sa mga Pinoy, bago pa may lumuha ng dugo

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. Sa iba’t ibang dako ng Asya, hindi na mapigilan …

Sipat Mat Vicencio

Ongchuan, Daza at ang political dynasty sa Northern Samar (Part 2)

SIPATni Mat Vicencio “THE Philippine Constitution, specifically Article II, Section 26, prohibits political dynasties by …

money politician

The Who: Pondo para sa isang proyekto ipinalustay ng isang gabinete para sa kampanya ng kapatid

GARAPAL naman talaga ang isang opisyal ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., dahil sa sobrang kakapalan …

Firing Line Robert Roque

Wa’ epek ang pagluha

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SINONG hindi magiging emosyonal sa gitna ng malupit na …