Friday , November 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ate Guy, tapos na ang tengga days
Ate Guy, tapos na ang tengga days

Ate Guy, tapos na ang tengga days

TAPOS na ang tengga days ni Nora Aunor pati ang ibang cast ng Kapuso afternoon drama na Bilangin ang Mga Bituin sa Langit.

Balik-taping na si Ate Guy kahapon kasama ang ilan sa main cast na sina Mylene Dizon at Kyline Alcantara, at direk Laurice Guillen.

Malamang na lock-in ang taping ng lahat ng involved sa show gaya ng ibang Kapuso shows.

Sa mga series ng GMA, kasado na sa October 26 ang pagbabalik sa ere ng Descendants of the Sun PH. Tapos na rin ang taping isa pang GMA afternoon drama na Prima Donnas pero wala pang definite ng pagbabalik nito sa ere.

Tiyak na magbubunying muli ang fans ni Ate Guy dahil makikita nilang muli ang galing sa pag-arte ng superstar!

I-FLEX
ni Jun Nardo

About Jun Nardo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top