Friday , November 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Anthony Rosaldo, naluha nang manalo sa Guillermo Memorial Foundation
Anthony Rosaldo, naluha nang manalo sa Guillermo Memorial Foundation

Anthony Rosaldo, naluha nang manalo sa Guillermo Memorial Foundation

HINDI maiwasang maluha ni Anthony Rosaldo nang manalo sa katatapos na Guillermo Memorial Foundation 51st Box Office Awards bilang Most Promising Male Recording Artist of the Year.

Kuwento ni Anthony, Crying moment, sobrang nakaka-lift po ng spirit.

“Sa time po kasi ngayon na no big deal for me kasi napakaraming malungkot na news kaya etong award po nakapagbigay ng hope po sa akin.

“Napakaagang Christmas Gift ito sa akin, sobrang saya lang po kasi bago matapos ang taon nanalo pa ako ng award, sobrang thankful po talaga ako.

“At sana maging instrument po ito sa mas maraming projects na dumating sa akin.”

Sa ngayon, sunod-sunod ang proyektomg ginagawa ni Anthony kahit na  may pandemic.

“Ngayon po katatapos ko lang ng ‘Magpakailanman’ episode, I was paired with Shaira Diaz.

“Tapos lalabas din po ako in the coming episode of ‘All Out Sundays’ and mayroon po akong music video na kakatapos lang namin i-shoot. Eto po ‘yung music video for my 3rd single, ‘Pwedeng Tayo’ under GMA music.

“Sa music video ko po may makakapareha akong Kapuso actress na ire-reveal po soon sa ‘24 Oras.’”

Post ni Anthony sa kanyang FB account sa bagong award na natanggap. “Officially got the biggest milestone of my career. Thank you Guillermo Memorial Foundation for awarding me this year’s 51st Box Office Award’s Most Promising Male Recording Artist of the Year. My heart will forever be grateful. Really, “Dreams do come true”.

“I want to share this award with God’s blessings to me- GMA Artist Center Joy Romina Marcelo Simoun Ferrer Jan Navarro Robert Dela Cruz Mendoza, To my GMA Music family ,The Clash family, the most loyal and loving fans Anthony Rosaldo United & my number one believer Elisa Duclayan Rosaldo. I love you all!

“Without all of you, this wouldn’t have been possible,” patapos nitonng mensahe.

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top