Saturday , November 28 2020
Breaking News
You are here: Home / News / U-Turn sa EDSA, Corregidor St. isasara sa 16 Okt
U-Turn sa EDSA, Corregidor St. isasara sa 16 Okt

U-Turn sa EDSA, Corregidor St. isasara sa 16 Okt

SIMULA sa 26 Oktubre, sarado sa trapiko ang U-turn slot sa kahabaan ng Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA) malapit sa Corregidor Street (northbound at southbound), sa Quezon City.

Sa inalabas na traffic advisory ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nakatakdang isara ang naturang U-turn slot sa EDSA dakong 12:01 am sa nabanggit na petsa, araw ng Lunes.

Payo ng MMDA sa mga motorista, gagamitin ang mga sumusunod na alternatibong ruta:

Magmula northbound patungong southbound, ang mga apektadong motorista ay maaaring mag-U turn slot pagkatapos ng Dario Bridge/harap ng Landers.

Habang ang mga galing sa southbound papuntang northbound naman, puwedeng gamitin ng mga apektadong motorista ang U-turn slot sa EDSA-Quezon Avenue flyover.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top