Friday , November 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Super Tekla, ipina-Tulfo ng ka-live-in: Nag-masturbate ka kahit hawak ko ‘yung bata!
Super Tekla, ipina-Tulfo ng ka-live-in: Nag-masturbate ka kahit hawak ko ‘yung bata!

Super Tekla, ipina-Tulfo ng ka-live-in: Nag-masturbate ka kahit hawak ko ‘yung bata!

P INILIT ka ba?” Ito ang tanong ng komedyanteng si Super Tekla sa live-in partner niyang si Michelle Lhor Bana-ag sa napanood naming video sa Raffy Tulfo in Action sa YouTube channel ng kilalang radio host na ipinost nitong Oktubre 20.

Ang sagot ni Michelle, ”anong ginawa mo? Nag-masturbate ka kahit hawak ko ‘yung bata!”

“Bakit pinilit ba kita? At least nag-masturbate ako!” ganting sabi ni Super Tekla.

Sagot kaagad ng partner ng komedyante, ”kahit natalsikan ‘yung bata? Nasaan ang utak mo roon?”

“Masyadong mababaw ang dahilan mo. ‘Wag mong idahilan sa akin ‘yan,” ito ang ganting sagot ni Super Tekla.

“Kahit masama ang pakiramdam ko tapos ‘pag hindi ako pumayag, anong gagawin mo, lalayas ka? ‘Di ka kasi marunong rumespeto, Masama pakiramdam, gusto mo, gusto mo,” daing ni Michelle.

Ito ang dahilan kung bakit idinulog ni Michelle, ang ina ng anak ni Super Tekla kay Mr. Raffy Tulfo ang reklamo niya dahil kapag hindi siya pumayag sa gusto ng komedyante ay hindi sila iniiwanan ng pambili ng pagkain at panggatas ng bata.

Bungad ni Raffy pagkatapos niyang mapanood ang video na ipinadala sa kanya ni Michelle, ”hindi po sa kinakampihan ko si Tekla bakit hindi mo pagbigyan tutal naman magkasama kayo?”

At dito na inilahad ni Michelle ang totoo.

“Masama po ang pakiramdam ko. Kada hapon po nilalagnat ako. Sumasama po ang pakiramdam ko. Ang bigat po ng ulo ko.

Hindi n’ya po maintindihan. Hindi n’ya po marespeto ‘yong ganoong ano ko po (kondisyon).

“Kasi pina-injection-an n’ya po ako ng family planning kasi hindi n’ya po mapigilan ang sarili n’ya. Gusto n’ya po ako galawin, para raw po safety.

“Ngayon po, ang epekto, sumama po pakiramdam ko. Nilalagnat po ako kapag hapon. Pero gusto n’ya pa rin pong ganoon, gawin po ‘yong ganoon.”

Sa tanong ni Idol Raffy kung ano ang ginagawa ni Tekla kapag ayaw pumayag ni Michelle.

Mumurahin n’ya po ako. Hindi na po s’ya kikibo. Hindi po s’ya bibili ng pagkain kahit nagugutom na ‘yong mga pamangkin ko na nandito.

“Nagmamakaawa na ako sa kanya bumili na s’ya ng pagkain. Tapos, sasabihin n’ya, ‘A, bakit? ‘Di ba ayaw mo?’ Ganito, ganyan. Tapos aalis s’ya.

“Pupunta po s’ya kay Donita Nose. Magba-vlog po sila. O kaya magla-live.”

Sa madaling salita kapag hindi napapagbigyan si Super Tekla ay ginugutom niya ang mag-ina niya kasama pa ang limang bata.

Nabanggit pa na pinapunta ni Tekla ang kapatid ni Michelle para tulungang mag-alaga ng anak nila dahil hindi naman nag-aalaga ng anak nila ang komedyanteng host dahil walang ginawa kundi mag-vlog pagkagising.

Ang kondisyon daw ni Tekla para magbigay ng pambili ng pagkain ay kailangang mag-sex muna sila at pinalalabas ang mga pamangkin sa kuwarto para makapag-solo sila.

Ayon pa kay Michelle, ”Minsan po isang beses, katabi ko ‘yong pamangkin ko naglalaro sa cellphone. Naawa po ako. Nagtakip na lang po s’ya ng kumot. Wala po ako magawa, eh. Kailangan po magpadala sa mga pamangkin ko. Kahit po masama ang pakiramdam ko.”

May insidente pang ginawa si Tekla, ”hawak po ang anak ko, natutulog sa dibdib ko, kukunin po n’ya. Tapos nag-masturbate po siya.

“Tapos may time po na hawak ko ‘yong anak ko, pinapadede ko, dumikit po s’ya tapos hinawakan n’ya po ‘yong maselang parte ng katawan ko.”

At dahil sa kaka-masturbate raw ni Tekla ay natalsikan ang mukha niya pati ang anak nila.

Natanong ni Raffy kung may bisyo si Tekla na kaagad namang itinanggi ni Michelle.

”Wala po. Wala na po. Huminto po s’ya last year,” mabilis nitong sabi.

“Kasi po, ‘yung ginagawa niyang mag-masturbate at papatalsikin sa inyo at sa bata, eh, gawain ‘yun ng taong wala sa pag-iisip,” pahayag naman ng radio host.

Ikinuwento pa ni Michelle na sinisilipan siya ni Tekla at sasabihin sa harap ng mga pamangkin niya na, ‘kita ko pepe mo, kurutin ko ‘yan, eh.’ Tapos minumura at pinalalayas niya po ang mga pamangkin ko.”

Samantala, pinatatawagan ni Raffy si Tekla pero hindi nito nakausap dahil may taping daw kaya nagsabing inaanyayahan niya na magbigay naman ng sariling pahayag para balanse.

Idinulog din ni Raffy sa isang abogado kung ano ang puwedeng ikaso kay Tekla sa violence against women at home at kapag nag-succeed ang komedyante sa gusto niyang mangyari kahit ayaw ng partner niya ay puwedeng kasuhan ng marital rape.

Anyway, bukas ang pahayagang Hataw sa panig ni Super Tekla o Romeo Librada sa totoong buhay.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top