Friday , November 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Saab, kinakarir ang pagiging maybahay at ina
Saab, kinakarir ang pagiging maybahay at ina

Saab, kinakarir ang pagiging maybahay at ina

SA kabilang banda, narito naman ang bunsong babae nina FM at Pia na si Saab, sa piling din ng kanyang asawang si Jim Bacarro at dalawa nilang supling na boys.

Ang pagiging maybahay at ina ang kina-career na mabuti ni Saab habang wala pa silang regular gig ng asawa.

Malaking tulong kay Saab ang pagiging vlogger at blogger niya kaya naman dumarating ang mga endorsement sa magandang nanay.

Saad ni Saab sa isa niyang post, ”As a little girl, I only had 2 answers for “what do you wanna be when you grow up” — a ballerina or a mommy. Lol!! 

“’Yung ballerina nakikigaya lang ako sa sisters ko who took ballet classes (strangely, I’m the only girl in the fam who didn’t take lessons). 

“Wanting to be a “mommy” of course came from watching my mom take care of my 3 younger siblings. I wanted to change diapers, I wanted to fix up cribs, I wanted to teach children how to tie their shoelaces. She just always looked so so so cool doing all of those things. My biggest inspiration in life: Mama!!! I love you!!!”

Kanya-kanyang paraan ang mag-ate sa pag-honor nila sa kanilang mga mahal sa buhay.

Maxene took the not so traveled path. Na inihahain niya ngayon sa mga tao. Ang ibang klase ng disiplinang niyayakap nilang mag-asawa.

Ang kay Saab naman ay ang daan kung saan ang ina ang nagbigay ng malaking inspirasyon sa pangangalaga ng pamilya. Mukhang si Saab ang magkakaroon ng malaking pamilya at patutunayan kung ano siya bilang isang ulirang ina.

Ang bilis nga ng panahon. Masarap balikan ang mga eksena ng lumalaki sila.

Sa kasal nina FM at Pia sa HK, kasama si Maxene with the Ate Unna.

Si Saab ang supladita, mataray at iyakin in their younger years.

At napakalaki na ng ipinagbago sa kanila ng panahon. Sa sabay nilang pag-alagwa sa buhay!

Miss na kaya nila ang isa’t isa?

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

About Pilar Mateo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top