Monday , November 17 2025
bagman money

Pabuya vs Hernando murder suspects (P.3-M kada ulo)

MAGBIBIGAY ng P300,000 pabuya kada ulo ang pamahalaang lungsod ng Valenzuela at pulisya sa mga makapagtuturo sa dalawang natukoy na suspek sa pagpatay sa rider na si Niño Luigi Hernando noong 9 Oktubre.

Ayon kay Valenzuela Police chief Col. Fernando Ortega, ipinag-utos niya sa kanyang mga tauhan ang pagtugis sa mga suspek na kinilalang sina Rico Reyes, alyas Moja,  at Narciso Santiago, alyas Tukmol, na nahaharap sa kasong murder, robbery at carnapping.

Nabatid na noong 9 Oktubre, sinundan ng mga suspek mula sa pagwi-withdraw para sa payroll sa isang banko ang biktima na nagtatrabahong mensahero at kolektor.

Pagdating sa Barangay Paso de Blas, Valenzuela City ay naglabas ng baril ang nakaangkas at mula sa likuran ay binaril nito sa ulo si Hernando na sakay din ng kanyang motorsiklo.

Nang bumagsak ang biktima, bumaba ang mga suspek at kinuha ang bag ni Hernando na naglalaman ng pera saka tinangay maging ang kanyang motorsiklo.

Anang pulisya, maa­aring makipag-ugnayan sa mga numerong 09173082274 / 09178203775 para magbigay ng impor­ma­syon tungkol sa lokasyon nina Reyes at Santiago.

Nagpaabot si Mayor Rex Gatchalian ng kanyang pakikiramay sa pamilya ng biktima at sinigurong matututukan ng pulisya ang kaso.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

DOST 3 BulSu Bulacan

DOST Launches Regional STI Fair: Showcases Innovations with Tangible Community Impact

Empowering communities through science and innovation, the Department of Science and Technology (DOST) launched the …

DOST 3 iHUB SARAI CeNTRo AMCen

Central Luzon Enters New Phase of Innovation with Launch of DOST Hubs

The Department of Science and Technology (DOST) formally launched three major facilities that are expected …

DOST bauertek

BauerTek: Central Luzon’s Innovation Champion Heads to Nationals!

MALOLOS CITY, BULACAN – BauerTek Farmaceutical Technologies has clinched the Regional Winner title for Central …

Nartatez PNPA

Sa Gabay ni Chief Nartatez PNPA Iniaangat ang Paghubog ng Bagong Pulis

Umaga ng November 13, 2025, muling pinagtibay ni Acting Chief of the Philippine National Police, …

FPJ Panday Bayanihan Party-list nagkaloob ng Doxycycline sa Dagupan City LGU

FPJ Panday Bayanihan Party-list nagkaloob ng Doxycycline sa Dagupan City LGU

Dagupan City — Personal na isinagawa ng FPJ Panday Bayanihan Party-list ang turnover ng 25 …