Categories: Opinion

Nag-iisip ba ang IATF boards?

Share

NANINIWALA ang nakararami na matatalino ang mga bumubuo ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Disease. Binuo ang TF na nasa ilalim pa rin ng kapangyarihan ng Department of Health (DOH) noong Marso 2020  para sa kaligtasan ng mamamayan laban sa CoVid-19 na umatake sa bansa o sa buong mundo.

Ang IATF ang naglalabas ng mga kalakaran sa bansa – health protocols para maiwasan ang pagkalat at  mahawaan ng nakamamatay na virus lalo na’t wala pang bakuna laban sa CoVid-19.

Kabilang sa protocols ng IATF ang hinggil sa “age limit”  kung sino lang ang puwedeng lumabas ng bahay. Bawal lumabas ang minors, simula noong Marso 2020.

Nasunod naman ang protocol pero, hindi talaga maiwasan na marami-rami pa rin minors ang lumabas. Nagkalat sa lasangan dahil mismong mga magulang nila ang pasimuno ng paglabag sa health protocols.

Dahil din sa bawal lumabas ang minors, wala rin munang pasok sa mga school – “no face to face learning” at sa halip, distance learning na muna. Ginawa ito para maiwasang magkahawaan ng mga mag-aaral at mga guro.

Saludo tayo sa mga desisyon ito ng IATF o ng gobyerno.  Lamang, nag-iisip nga ba talaga ang mga nakaupo sa IATF? Halimbawa na lang iyong naging desisyon nila sa “motorcycle barrier,” Kay hirap na ngang kumita ngayon, hayun dahil sa kapalpakan nila, ang mga Pinoy ay napagastos sa walang kakuwenta- kuwentang desisyon ng IATF. BS!

At, heto na naman ang IATF, ewan ko ha kung tama ang kanilang desisyon. Pinayagan na nilang makalabas sa bahay ang mga minors na 15 anyos. Unang dahilan ng TF ay para sa revival ng ekonomiya. Ha! Isama sa malls, kainan ang mga bata para magpabili nang magpabili? Para sa ekonomiya daw e. Walanghiyang desisyon naman iyan.

Heto pa, wala rin naman daw minors na nagkakasakit ng CoVid o mababa ang tendency na mahawaan. Sa record kasi, bihira ang mga minor na nahawaan.

Totoo iyan, bihira ang minors na nahawaan dahil…nakakulong nga sila sa bahay. Bawal silang lumabas kaya bibihira ang nahahawaan sa kanila kahit na sabihin pang malakas ang immune system nila. Namimili ba ang CoVid ng mahahawaan?

Pero ngayon, puwede na silang lumabas. Ibig sabihin, malaki ang posibilidad na mahahawaan sila kaysa noong nakakulong lang sa bahay. Pinalalapit lang ng IATF ang mga bata sa ‘veerus.’

‘Ika nga ng Kuya ko, si Manong Jojo, e para saan pa ang distance learning o pagbabawal ng face to face learning kung pinayagan nang lumabas ang mga minors? Para saan pa nga ba ang distance learning?

Nag-iisip nga ba ang mga bumubuo ng IATF?

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

Almar Danguilan

Published by
Almar Danguilan

Recent Posts

Joed Serrano, naghahanap ng bibida sa Anak ng Burlesk Queen

MGA seksing babae naman ang bibigyan ng break sa showbiz ng bagong film producer na si Joed Serrano ng Godfather Productions. Hinahanap naman… Read More

3 hours ago

Direk Mae, sobrang na-pressure sa Four Sisters Before The Wedding

MAY prequel ang blockbuster movie ng Star Cinema noong 2013 na  Four Sisters and A Wedding na pinagbibidahan nina Bea Alonzo, Angel Locsin, Shaina… Read More

3 hours ago

Wendell at Dell Savior Ramos, pangatlong mag-amang gaganap na bading

MAITUTURING na ring makasaysayan ngayong 2020 at panahon ng pandemya, ang paggganap na ng mag-amang Wendell Ramos at Dell Saviour Ramos.  Actually, sila… Read More

3 hours ago

Aktor, handang ‘makipagkita,’ basta may G-cash

MATINDI ang ilusyon ng isang dating male star na nagsimula sa isang talent search ng isang network. Nagtatawag siya sa kanyang mga… Read More

3 hours ago

TV show ni Nora, magrehistro kaya ng mataas na audience share?

MAY pelikulang kasali sa festival si Nora Aunor. Bukod diyan, may isang serye pa siyang tumatakbo sa telebisyon. Sa ganyang sitwasyon,… Read More

3 hours ago

Direktor, asst director, at ilan pang production crew, nagkahawaan sa shooting ng isang pelikula

NAALARMA na naman ang buong industriya. Nauna rito, natakot si Aiko Melendez nang mawala ang kanyang panlasa, kaya nagpa-isolate rin siya kahit… Read More

3 hours ago