Categories: Opinion

Motorcycle taxi, papasadang muli, pero…

Share

PAHIHINTULUTAN nang pumasadang muli ang mga motorcycle taxi na kung tawagin ay Angkas ngunit napakaraming patakaran na gustong ipatupad ang Inter-Agency Task Force (IATF) at Task Force Against CoVid-19.

Isa sa gustong ipatupad ng nasabing task force ang paggamit muli ng barrier na dati na nilang inobligang gamitin ng riders na may angkas.

Maraming gumagamit ng motorsiklo at mga eksperto ang umalma sa patakarang ito dahil umano, hindi raw praktikal at hindi rin angkop na gamitin ang barrier sa kasalukuyang kalagayan ng bansa.

Delikado rin anila, hindi epektibo at panibagong gastusan na naman daw ito imbes ipambili na lamang ng mahahalagang bagay tulad ng pagkain, gamot, at marami pang iba na mas higit na kailangan sa panahong ito.

Unang ipinatupad ng mga nasabing task force ilang buwan na ang nakalilipas ngunit mismong sila rin ang nagbasura nito sa kadahilanang may katuwiran at punto ang mga kumontra rito. E bakit nga ba muling pinagagamit ang barrier?

Baka hindi na raw makahinga ang mga tao dahil sa sobrang dami ng gadget at props sa katawan na lumalabas na overacting na ang dating. Mantakin ninyong mayroon nang face mask at close helmet, dadagdagan pa ng barrier.

Tsk  tsk tsk…

Bukod sa barrier, obligado rin daw na magkaroon ng partikular na helmet gamit ang kanilang iaangkas dahil mahirap daw ang maghiraman.

Kung sa bagay ay may punto sila riyan dahil halimbawang mayroong kuto o lisa ang taong may-ari ng helmet e patay kang bata ka. Maaari rin daw mabugahan ng droplet mula sa anit at buhok kaya puwedeng mahawa ng CoVid-19. He he he…

Ang mabigat dito, ang panibagong bilihan at gastos na na daranasin ni Juan de la Cruz sa kabila ng hirap at sakripisyo dahil sa pandemic.

Ayos lang daw dahil maaari mo naman gamitin ito nang lifetime at puwede rin maging souvenir kapag nalagpasan ang killer virus.

Sana naman ay huwag nang obligahing gumamit ng barrier ang mga rider dahil base raw sa ginawang pag-aaral ng ilang eksperto, napag-alaman na ang mga nakasakay sa motorsiklo ay hindi basta-basta kakapitan ng virus dahil nasa open air at siguradong papadparin ng hangin ang anomang elemento na makasasama sa ating kalusugan.

Malaki nga naman ang posibilidad na mas ligtas ang mga lulan ng motorsiklo kaysa ibang sasakyan tulad ng kotse, dyip, bus o maski na eroplano dahil kulob ang mga ito at walang pag­dadaluyan ang hangin. Natural kayo-kayo rin mga sakay nito ang maglalang­hapan , ‘di po ba?

YANIG
ni Bong Ramos

Bong Ramos

Published by
Bong Ramos

Recent Posts

Aktor, handang ‘makipagkita,’ basta may G-cash

MATINDI ang ilusyon ng isang dating male star na nagsimula sa isang talent search ng isang network. Nagtatawag siya sa kanyang mga… Read More

3 mins ago

TV show ni Nora, magrehistro kaya ng mataas na audience share?

MAY pelikulang kasali sa festival si Nora Aunor. Bukod diyan, may isang serye pa siyang tumatakbo sa telebisyon. Sa ganyang sitwasyon,… Read More

5 mins ago

Direktor, asst director, at ilan pang production crew, nagkahawaan sa shooting ng isang pelikula

NAALARMA na naman ang buong industriya. Nauna rito, natakot si Aiko Melendez nang mawala ang kanyang panlasa, kaya nagpa-isolate rin siya kahit… Read More

8 mins ago

Charlie Dizon, madaling nakapa ang role ni Toni G sa FSAAW

ANG baguhang aktres na si Charlie Dizon ang gaganap na Teodora Grace Salazar sa Four Sisters before the Wedding na ginampanan noon ni Toni Gonzaga sa… Read More

13 mins ago

Lumang klase ng comedy nina Andrew, Janno, Jerald, at Dennis, patok sa millennials; Trailer, umabot agad sa mahigit 20M

HINDI inaasahan ng Pakboys: Takusa na sina Andrew E, Janno Gibbs, Jerald Napoles, at Dennis Padilla na aabutin ng mahigit sa 20M views ang trailer… Read More

22 mins ago

Katrina Halili, buti hindi natutuyuan ng luha

Sa tuwing napanonood namin ang Prima Donnas every 3:25 pm, ‘di namin mapigilan ang magtaka kung hindi ba natutuyuan ang… Read More

36 mins ago