Saturday , November 28 2020
Breaking News
You are here: Home / Sports / Cebuano journo Tabada hari sa Nat’l Executive Chess
Cebuano journo Tabada hari sa Nat’l Executive Chess

Cebuano journo Tabada hari sa Nat’l Executive Chess

PINAGHARIAN ni Cebuano journalist Jobanie Tabada ang katatapos na second leg ng 2020 National Executive Online Chess Championship nung Linggo, Oktubre 18, 2020 sa lichess.org.

Nakakolekta ang United Arab Emirates based Tabada ng eight points sa mula sa walong panalo at isang talo  para magkampeon sa nine-round tournament na suportado nina Engr. Roderick Argel at Engr. Richard Sison ng Ontario, Canada na inorganisa ng Philippine Executive Chess Association.

Naitala ni Tabada ang panalo kina AIM Rey Urbiztondo sa first round, Jezreel Lopez sa second round, Freddie Talaboc sa fourth round, Dr. Jenny Mayor sa fifth round, Rey Reyes sa sixth round, AGM Irwin Aton sa seventh round, Eduard Sumergido sa eight  round at Llyod Lanciola sa ninth at final round. Nalasap niya ang nag-iisang pagkatalo kay Dr. Gefer Imbuido sa third round.

Dahil sa tagumpay ay naiuwi ni Tabada ang papremyong  P10,000 .

Si Imbuido na miyembro nh Far Eastern University chess team Batch 94 under kay  GM Jayson Gonzales ay tumapos ng overall second place matapos ang superior tie break kontra kina fellow seven pointers Sumergido (3rd) at National Master Jose Efren Bagamasbad (4th). Ang mga nakapasok sa top ten (10) ay sina Llyod Lanciola (fifth), Reymond Baon (sixth), AGM Irwin Aton (seventh), AGM Dr. Fred Paez (eight), Atty. Jason Bandal (ninth) at Deoferio Jr. Vehemente (tenth).

(M. Bernardino)

About Marlon Bernardino

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top