Saturday , May 8 2021
Breaking News
You are here: Home / News / Timbog sa buy bust sa vale (3 sangkot sa droga)
Timbog sa buy bust sa vale (3 sangkot sa droga)

Timbog sa buy bust sa vale (3 sangkot sa droga)

TATLONG  hinihinalang drug personalities ang arestado sa isinagawang buy bust operation ng mga pulis sa Valenzuela City,kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Michael Dulay, Adrian Dansey, at Rocco Japsay,  kapwa residente sa Barangay Parada ng nasabing lungsod.

 

Batay sa ulat, dakong 1:00 am nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation kontra sa mga suspek sa P. De Guzman St., Barangay Parada, Valenzuela City.

 

Kaagad sinunggaban ng mga operatiba ang mga suspek matapos tanggapin ang marked money mula sa pulis na umaktong buyer kapalit ng isang sachet ng shabu.

 

Nakompiska sa mga suspek ang apat na plastic sachets ng hindi pa mabatid na halaga ng hinihinalang shabu, buy bust money, isang kotseng Mirage, dalawang cellphone at P2,500 cash.

 

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng mga suspek. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top