Friday , May 14 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Jeremiah Tiangco, sa bahay lang inirekord ang debut single
Jeremiah Tiangco, sa bahay lang inirekord ang debut single

Jeremiah Tiangco, sa bahay lang inirekord ang debut single

SA kanyang sariling bahay pala ini-record ng The Clash Season 2 grand champion na si Jeremiah Tiangco ang kanyang debut single sa ilalim ng GMA Music na Titulo.

 

“Bukod sa nadi-discover ko pa po mag-produce, mas lumawak po ‘yung knowledge ko about music, about recording. Sobrang siniksik ‘yung music,” aniya.

 

Nagpapasalamat din si Jeremiah sa GMA Music’s A&R Manager na si Kedy Sanchez sa paggabay sa kanya sa pag-record ng kanta.

 

“’Yung boses ko po is andiyan na, ako na lang po bahala kung ano ‘yung gagawin ko sa kanta. Nakatutuwa po, though it’s pop, nabigyan ko po s’ya ng touch of soul,” kuwento pa ng All-Out Sundays mainstay.

 

Ngayon na mayroon na siyang debut single, nais naman ni Jeremiah na tuparin ang kanyang pangarap na sumulat ng sariling kanta.

 

Mapakikinggan ang  Titulo sa Apple Music, Spotify, YouTube Music, at iba pang digital stores worldwide.

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top