Friday , November 27 2020
Breaking News
You are here: Home / News / DBM inalmahan ng kontraktor sa inilabas ‘notice to the public’
DBM inalmahan ng kontraktor sa inilabas ‘notice to the public’

DBM inalmahan ng kontraktor sa inilabas ‘notice to the public’

SUMULAT at nagpadala ng reklamo sa tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang general manager ng isang construction company na dating sports writer ng Manila Bulletin at isinumbong ang umano’y nagaganap na katiwalian sa Department of Budget and Management (DBM).

Sa isang pahinang sulat sa Pangulo ni Virginia Rodriguez, sinabi niyang siya ay biktima ng maling akusasyon makaraang nagpalabas ang DBM ng umano’y maling ‘notice to the public.’

Nakasaad sa Notice to the Public ang mga katagang “This is to warn the public of the recently reported incidents regarding individuals claiming to have the capacity or influence to facilitate the release of funds to Local Government Units (LGUs). Based on reports received by various LGUs, the following individuals are misrepresenting themselves as employees of the DBM.

Kabilang ang pangalan ni Rodriguez at apat na iba pa, sa mga tinukoy ng DBM.

Mariing pinabubulahan ni Rodriguez ang akusasyon at sinabing wala siyang kakayahan para impluwensiyahan ang DBM.

Ipinagtataka rin ni Rodriguez kung bakit naglabas agad ng ‘notice to the public’ ang tanggapan ni Dir. Thea Marie Corinne Palarca, Director IV ng DBM na tila hindi muna nag-imbestiga.

Ayon kay Rodriguez, nakasira umano ito sa kanyang pangalan at apat na iba pa.

Sa sulat sa Pangulo ni Rodriguez, tinukoy niya ang dating agent na si Christine Escalante Reuyan na kanyang sinibak ang umano’y nasa likod paninira sa kanya.

Si Reuyan, unang kinasuhan ni Rodriguez sa Las Piñas Prosecutors’ Office ng kasong grave threats dahil sa kanyang mga pagbabanta.

Naka-blotter din sa National Bureu of Investigation (NBI) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) si Reuyan at sinasabi ni Rodriguez na tatlong kasama na nagbabanta sa kanyang buhay.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top