Saturday , November 28 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Celine Pialago, isinumbong ang mga basher sa NBI         
Celine Pialago, isinumbong ang mga basher sa NBI         

Celine Pialago, isinumbong ang mga basher sa NBI         

LUMAPIT na sa NBI si ASEC Celine Pialago ng MMDA dahil sa kanyang mga basher. Hindi unknown ang mga basher ni Celine. Isa sa mabilis na pumalag sa sinabi niya tungkol kay Raine Mae Nasino ang aktres na si Anne Curtis. Ang feeling kasi ni Anne, insensitive si Celine dahil ang pinag-uusapan nga ay ang damdamin ng isang ina at ang yumao niyang anak.

 

Ang matinding basher ni Celine ay si Enchong Dee, na tinawag pa siyang “walang puso at bobo.” Pero bakit nga ba nagpunta pa siya sa NBI? Bakit hindi na lang niya sampahan ng kaso ang mga nanlait sa kanya gayung kilala naman niya?

 

Karapatan ng tao na magbigay ng personal niyang opinion. Karapatan iyon ng Celine. Karapatan din naman ng ibang tao na magbigay ng opinion sa sinabi mo, lalo’t inilabas mo pa sa social media. Ewan pero kami iyon lang ang palagay namin.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top