Friday , June 18 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sean de Guzman, bagong pagpapantasyahan
Sean de Guzman, bagong pagpapantasyahan

Sean de Guzman, bagong pagpapantasyahan

ANG isa sa member ng Clique V na si Sean de Guzman ang napili para maging lead actor sa pelikulang Anak ng Macho Dancer na ididirehe ni  Joel Lamangan.

 

Ito ang sequel ng Macho Dancer, na pinagbidahan noon ni Allan Paule. Kasama pa rin sa pelikula si Allan, bilang tatay ni Sean. Ang nasabing pelikula ay mula sa The Godson ni Joed Serrano.

 

Sina Joed, Direk Joel, at Grace Ibuna ang pumili kay Sean para sa role.

 

Bukod sa nagpakitang gilas kasi sa pag-arte during audition, may hawig siya kay Allan. Bagay silang mag-ama.

 

Asahan nang magiging daring sa Anak ng Macho Dancer si Sean. Siguradong siya na ang bagong pagpapantasyahan ng mga member ng ikatlong lahi.

 

Si Sean ay nasa pangangalaga ng 3:16 Events and Talent Management ni Len Carillo. Siyempre pa, sobrang proud si Len kay Sean na ito ang napili para magbida sa Anak ng Macho Dancer na anytime soon ay magsisimula nang gumiling ang kamera para rito. ‘di ba friend Roldan Castro?

MA at PA
ni Rommel Placente

About Rommel Placente

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top