Tuesday , January 19 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / LA Santos sa 7K Christmas Songs Search–I want OPM to make a name…I want to hear Filipino says, I love OPM
LA Santos sa 7K Christmas Songs Search–I want OPM to make a name…I want to hear Filipino says, I love OPM

LA Santos sa 7K Christmas Songs Search–I want OPM to make a name…I want to hear Filipino says, I love OPM

MAGANDA at kahanga-hanga ang proyektong binuo ng mag-inang LA at Flor Santos, ang The Search for The Sound of 7K Christmas Songs na mapapanood na sa Biyernes, October 23. Kasama nila sa proyektong ito sina Gretchen HoNicole Asensio , at Iman Franchesca gayundin ang executive at creative nitong 7K Sounds na si Direk Alco Guerrero.

Ang The Search for the The Sound of 7K Christmas Songs ay isang digital show na susuyurin ang pitong libong isla para hanapin ang Tunog ng Pilipino. Hanap nito ang mga musikerong makagagawa ng mga orihinal na Christmas song kaya send na ng entries.

Sa ginanap na virtual press conference na ang host ay si Jett Pangan,

sinabi nitong, “7K Sounds is a fully functioning music label that changing the game in producing and distributing music, producing content and events. Mayroon din silang radio station in the works and even an app. At dahil nalalapit na ang Pasko, they got something to help us to get into the holiday spirit in the midst of this pandemic. Kaya malaking bagay ang mga ganitong bagay lalo sa panahon ngayon.”

Layunin ng digital show na marinig ang iba’t ibang tunog mula Luzon, Visayas, at Mindanao. Ito na ang pagkakataon para sa mga musikero na iparinig ang iba’t ibang tunog ng Filipino.

Pero bago nabuo ang digital show, mayroon munang 7K Sounds. Ayon kay Direk Alco, “we’ve work a lot, it has a lot to do with the Dawn, the first na nag-instill that idealism…there’s a lot of awakening…taong 2018 nang may isang foreign band ang nagpunta sa Pilipinas na ang presyo ng tiket nila ayP23,850. That same weekend may katapat siyang rakraken festival and it was a two days event at may 120 banda ang manonood niyon. Ang price ng local ticket ay P2,500 for 2 days for the VIP.

“It got me into thinking na bakit hindi patas ang laban? The way to go is to bring up our game. The way to go is to try to do everything on a standard level…The way to go is to think internationally we have to hammered it because in my mind parang ang buong mundo nagpa-party hindi natin alam ang dala nating ulam, ‘di ba?

“Whey is there a global party and we have nothing to contribute?,” ani Direk Alco,

At sa pagbuo ng 7K project at ibang goals, tiyak na makakadiskubre pa ng magagaling na talent. At bagamat nagsisimula pa lag silang magdiskubre ng mga talent, binuo na rin itong Search for 7K Christmas Songs.

“Napakalungkot kasi ng taon, sino ba ang nag-suffer the most, ‘yung mga musikero. Ilan sa mga kakilala ko ang lumapit humingi ng tulong. Hindi man lang sila recognized sa ibang platform o ibang ayuda. On a bigger scale I just felt and the upper management, huwag nating isuko ang Pasko. ‘Wag nating isuko na wala tayong tugtugan. Hindi nga masaya eh,” sambit pa ni Alco.

Sinabi naman ni LA na super excited siya sa show na ito. “Lahat ng mga nakarinig na sa akin, alam nilang sobrang-sobrang passionate ako sa OPM.

“I want OPM to make a name for itself. I wanna heard Filipino says, I love OPM. Parang probably, ‘yung KPop sobrang own nila ‘yun, proud sila. I want Filipinos to achieve that, that certain level of love to our music and I want Filipinos to understand that we Filipinos are very very great singers talaga.

“Lahat ng foreigner na tanungin ninyo, sinabi nila, ‘grabe Filipinos are good singers.’ So I want for us to discover that more and explore that more. May platform na tayo eh kasi sayang eh. We have this platform na we can take advantage of, and we have this platform na very very luck to have kasi hindi lahat ng tao mayroon nito.”

Para makasali sa The Search for the The Sound of 7K Christmas Songs, narito ang mga criteria: open to all unsigned Filipino music artists aged 16 and above upon submission of entry, open to all individuals and groups, each contestand must submit an audition piece with an introduction and at least one original Christmas song. Send your entries to: [email protected], qualified participants will get the chance to be featured on The Sound of 7K Christmas online show.

May partisipasyon din ang viewers na puwedeng makapili ng mga magugustuhan Christmas songs sa pamamagitan ng online voting. Kaya kailangang makinig every week na ang online voting ay mag-uumpisa sa December 4 hanggang Dec. 10, 2020.

Ang mga magwawagi ay ilalahad sa final episodes na ie-air sa Dec. 11, 2020. Magkakamit ng P25,000 ang magwawagi kaya mag-send na entries ninyo.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top