Friday , November 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Alden, Pinakapasadong Aktor sa Gawad Pasado
Alden, Pinakapasadong Aktor sa Gawad Pasado

Alden, Pinakapasadong Aktor sa Gawad Pasado

WAGING Pinakapasadong Aktor si Alden Richards sa ginanap na 22nd Gawad Pasado noong October 10.

 

Buong pusong nagpasalamat ang Kapuso actor sa mga Dalubguro mula sa Philippine Normal University na pumili sa kanya sa mahusay niyang pagganap sa pelikulang Hello, Love, Goodbye noong 2019.

 

“Isang malaking karangalan po na nabigyan ako ng award mula po sa inyong samahan. Nagpapasalamat po ako. Sa uulitin po. Thank you for this award kahit medyo na-late tayo dahil mayroon tayong pandemic ngayon,” sambit ng Asia’s Multimedia Star.

 

Ang Gawad Pasado ay taunang pagkilala sa mga natatanging Filipino sa larangan ng pelikula at telebisyon. Ito ay binubuo ng mga miyembro ng Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro mula sa Philippine Normal University.

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

About Joe Barrameda

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top