Saturday , April 20 2024
Robert Suelo chess

Suelo kampeon sa Rojo-J Trading bullet online chess  

PINAGHARIAN ni Arena Grandmaster at Fide Master elect Robert Suelo ang katatapos na second Rojo-J Trading bullet online chess tournament nitong Biyernes, Oktubre 17, 2020.

 

Tangan ang itim na piyesa, ang 1996 Philippine Junior Champion na si Suelo ay dinaig si Ted Ian Montoyo matapos ang 39 moves ng London System Opening  sa one-day, Arena two hours duration event na may Arena 127  points.

 

Ang Singapore based Suelo ay sariwa pa sa pagkampeon sa Jolina Icao Youtube Channel Arena nitong Oktubre 13.

 

Nakipaghatian naman ng puntos si Inaugural champion International Master Angelo Young kontra kay Fide Master Rico Salimbagat para tumapos sa second place na may Arena 97 points.

 

Habang si  United States based Salimbagat ay tumapos ng third place na may Arena 96 points.

 

Ang iba pang pumasok sa top 7  ay sina fourth MG Reyes (93 points), fifth Ted Ian Montoyo (86 points),  sixth Bryan Blair Fallarme (82 points) at seventh AGM Hermie Cagatin (79 points).

 

Ang susunod na event ng Bayanihan Chess Club ay ang Pretty Zada Skin Care Products  online tournament kung saan ang magsisilbing punong abala si Mr. Mc Daniel Ebao.

(Marlon Bernardino)

About Marlon Bernardino

Check Also

NYBL Butz Arimado TOPS PSC

NYBL Inter-Cities lalarga sa Mayo 4

ISASAGAWA ng National Youth Basketball League (NYBL) ang 2nd Inter-Cities and Municipalities basketball championship  sa …

Philippine athletics TOPS PSC

Philippine athletics meet tatakbo na

Manila — Inilalagay ng Philippine Athletics Track and Field Association ang kanilang pinakamahuhusay na atleta …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

MILO 60th Anniversary

 MILO Philippines kicks off 60TH year celebration;  underpins commitment to grassroots sports development

15 April 2024 | Manila, Philippines – In a celebration event to mark its 60th …

Sambo PH team TOPS Paolo Tancontian Ace Larida

Sambo PH team potensiyal sa int’l arena

KUNG medalyang ginto ang nais ng sambayanan mula sa contact sports, ibilang ang Sambo sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *