Friday , October 23 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Christi Fider, aminadong super-kilig sa debut single niyang Teka, Teka, Teka
Christi Fider, aminadong super-kilig sa debut single niyang Teka, Teka, Teka

Christi Fider, aminadong super-kilig sa debut single niyang Teka, Teka, Teka

IPINAHAYAG ng promising newbie singer na si Christi Fider na dream come true ang kanyang pagiging singer/recording artist. Nagkaroon ito ng katuparan via her debut single titled Teka, Teka, Teka na mula sa award winning composer na si Direk Joven Tan.

Saad niya, “Ako’y super-kilig everytime I see my music video sa YouTube channel ng Star Music.”

Pahabol pa ni Christi, “I’m very happy and grateful. Ini-imagine ko lang ito before and now na it’s happening, I really can’t believe it. ‘Pag nakikita ko yung song or yung page ko sa Spotify napapa-smile na lang ako and I feel thankful sa lahat ng nagsu-support sa song.”

Diin pa niya, “Ever since bata ako gusto ko na talagang pumasok ng entertainment industry. I remember dati ginagawa kong gown yung blanket namin, then yung flashlight as microphone. Kunwari magco-concert ako sa harap ng salamin.”

Pahabol pa ni Christi, “Also, iba rin yung nafi-feel ko everytime na nasa stage ako, parang I’m a different person. I really like it. First live concert na napanood ko-nine years old ‘ata ako noon. Everytime na nakakapanood ako ng concert before, I always tell myself na one day ako naman. I also did a voice training with The Company, one summer.”

Paano niya ide-describe ang kanyang single? “The Pandemic Song. It is a bubblegum pop. Good vibes talaga! It’s a reminder na sa kabila ng lahat ng nangyayari ngayon, there is still something to look forward to, eventually everything will be alright. Na sa muling pagkikita, may halik at yakap na.”

Itinuturing din ni Christi na siya’y masuwerte dahil isang award winning composer na si Direk Joven from Himig Handog ang gumawa ng kanyang first single.

Pahayag niya, “I’m lucky that Direk Joven wrote my first single. Hindi lahat nabibigyan ng chance to work with a talented composer like him. Lahat ng ginawa niya for Himig Handog, big hit! Kaya I;m always thankful talaga kasi he’s guiding me also and I hope marami pa kaming collaborations in the future.”

Nang sinabi sa kanyang ire-record niya ang Teka, Teka, Teka, ano ang na-feel niya? Tugon ng talented na dalaga, “Super kilig! As in na-excite ako agad. He’s very known kasi sa pag-compose ng songs na naghi-hit talaga! Na-pressure rin ako kasi magaling si direk eh, as much as possible ayaw ko siyang ma-disappoint. Pero mostly excited talaga!”

Si Christi ay 20 years old at nagsimula bilang Youtuber. Graduate ng AB History sa UST ang magandang singer at siya’y under ng Adober Studios before at nakalabas na sa ilang short films tulad ng Bakit Ka Single?The End, at Kahulugan.

Paano siya nag-start as a Youtuber? “I started when I was still in college but hindi ako active kasi I was busy sa school and I’m helping my brother also with his business.

“Right now, mas pinili ko na mag-focus sa Youtube and also pursue my dream career which is acting and singing. My main content is Beauty and Lifestyle pero I also do song covers,” saad pa ni Christi.

Anyway, napapakinggan na ngayon sa iba’t ibang radio stations nationwide ang single ni Christi na Teka, Teka, Teka at available na rin sa mga digital platforms worldwide like sa Spotify, Apple Music, Itunes, Youtube Music, at Deezer.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top