Monday , October 26 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Pasig River ferry service balik normal (Water lilies hinakot)
Pasig River ferry service balik normal (Water lilies hinakot)

Pasig River ferry service balik normal (Water lilies hinakot)

BALIK muli sa normal ang operasyon ng Pasig River Ferry Service (PRFS), ito ang inianunsyo kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) matapos alisin ang lahat ng tambak na water hyacinths sa Pasig River.

Magbibiyahe ang Ferry dakong 6:00 am hanggang 7:00 pm mula Pinagbuhatan-Guadalupe-Escolta at vice versa, mula Lunes hanggang Sabado.

Ang mga bukas na ferry stations ay Guadalupe, Hulo, Valenzuela, Sta. Ana, Lawton, Escolta, San Joaquin, at  Pinagbuhatan.

Pinaalalalahanan ang mga pasahero na sundin ang mandatory health and safety protocols kabilang ang pagsusuot ng face mask, face shield, magpakuha ng temperature, at mag-fill-out ng manifest at commuter information sheet bago sumakay.

Umabot sa 1,350 cubic meter ng water hyacinths ang nakolekta mula sa Pasig River simula 1 Oktubre hanggang 14 Oktubre ng taong kasalukuyan. (JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top