Monday , October 26 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Bebot huli sa P1.7-M shabu  
Bebot huli sa P1.7-M shabu   

Bebot huli sa P1.7-M shabu  

DINAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang babae na nakompiskahan ng P1.7 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng La Loma Police Station (QCPD-PS1) kamakalawa ng gabi.

 

Kinilala ni QCPD Director P/BGen. Ronnie Montejo ang nadakip na si Rakilah Abdulrahman.

 

Sa ulat, dakong 8:45 pm nang arestohin ang suspek matapos bentahan ng shabu ang pulis na nagpanggap na buyer sa harap ng convenience store sa Tutuban Mall, C.M. Recto Ave., Tondo, Maynila.

 

Nakuha mula sa suspek ang apat na plastic sachet ng shabu na naglalaman ng 260 grams, tinatayang may street value na  P1,768,000.

 

Nakapiit na si Abdulrahman at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 ng RA 9165.

 

Samantala, nadakip ng Fairview Police Station (QCPD-PS5) ang dalawang hinihinalang tulak na sina Kenneth Ryan Andres, 31 anyos, binata, residente sa Salvador St., Barangay Sta Lucia; at Jeonardo Sawal, 34, nakatira sa Lakandula St., Barangay Sta Lucia.

 

Ayon kay Fairview Police Station commander P/Lt. Col, Melchor Rosales, dakong 12:10 am nang kanilang isagawa ang operasyon sa Bukaneg St. corner Salvador St., sa nasabing barangay.

 

Nakompiska sa dalawa ang anim na transparent plastic sachet na naglalaman ng 4 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P27,000. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top