Monday , October 26 2020
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / NATF CoVid-19 CODE sumaklolo sa Bataan (Sa paglobo ng impeksiyon)
NATF CoVid-19 CODE sumaklolo sa Bataan (Sa paglobo ng impeksiyon)

NATF CoVid-19 CODE sumaklolo sa Bataan (Sa paglobo ng impeksiyon)

BUMISITA ang National Task Force for CoVid-19 Coordinated Operations to Defeat the Epidemic (NATF CoVid-19 CODE) upang saklolohan at gabayan ang pamahalaang panlalawigan ng Bataan hinggil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng hawaan ng coronavirus disease nitong Martes, 13 Oktubre.

Kasunod nito, nagtalaga ng 600 contact tracers ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa pangunguna ni Undersecretary Jonathan Malaya.

Kasalukuyang kumikilos ang may 349 contact tracers sa 11 bayan at nag-iisang siyudad sa lalawigan.

Labis na pinasalamatan ni Governor Abet Garcia ang NATF CoVid-19 CODE team at ang pamahalaang nasyonal sa pagsaklolo sa panahon ng pandemya.

Paulit-ulit na umapela si Garcia sa mga kababayan na palagiang tuparin ang mga alituntunin ng minimum health safety protocol upang makaiwas sa CoVid-19. (RAUL SUSCANO)

About Raul Suscano

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top