Monday , October 26 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Gabbi, super proud kay Khalil; Descendants of the SunPH, mapapanood na sa Netflix 
Gabbi, super proud kay Khalil; Descendants of the SunPH, mapapanood na sa Netflix 

Gabbi, super proud kay Khalil; Descendants of the SunPH, mapapanood na sa Netflix 

UMAAPAW ang kaligayahan sa Kapuso artist na si Gabbi Garcia nang i-welcome bilang Kapuso ang boyfriend na si Khalil Ramos matapos itong pumirma ng management contract sa GMA Artist Center.

 

“Always proud of you. ILY (I Love You),” saad ni Gabbi sa Instagram stories.

 

Bukod sa GF, gustong makatrabaho ni Khalil si Dingdong Dantes.

 

“He’s someone that I super look up to as an actor, if given the chance because he’s a well-respected and celebrated actor.

 

“I’m a fan of his work and kung sa future mayroong project in line na may chance akong makatrabaho siya, I would definitely take on that chance so let’s pray for that project,” pahayag ni Khalil.

 

Eh dahil magaling sa pagkanta, isasalang din si Khalil sa GMA Sunday show na All-Out Sundays.  

 

Samantala, sa October 26 pa man ang pagbabalik sa TV ng Descendants of the SunPH ni Dingdong, nakalinya na itong mapanood sa Netflix ang lahat ng episodes simula sa November 13.

I-FLEX
ni Jun Nardo

About Jun Nardo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top