Thursday , May 13 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / The singing idol and actor LA Santos, itinayo ang 7K Sounds para makatulong sa baguhang singers
The singing idol and actor LA Santos, itinayo ang 7K Sounds para makatulong sa baguhang singers

The singing idol and actor LA Santos, itinayo ang 7K Sounds para makatulong sa baguhang singers

Maganda ang goal ng singing idol at actor na si LA Santos para makatulong sa mga baguhang Pinoy musician na hindi napapansin ng malalaking recording companies.

Full support kay LA sa itinayo nilang 7K Sounds ng kilalang businesswoman-concert producer Mom na si Madam Flor Santos.

And just recently lang ay nag-sign up na ng contract sa 7K Sounds ang dalawang discover ng music company ni LA na sina Iman Chesca, isang beautiful vlogger-model-singer, at si Big J na isang rapper na maraming sariling komposisyon.

Lalabas na ang debut single ni Iman soon at ang collaboration nila nina LA at Big J. Ang dalawang artist ang first batch talents ng 7K Sounds. Samantala

ang 7K Sounds rin ang nag-produce ng patok na ngayong kanta ni LA na HIBANG na ginawan pa ng

dance challenge at marami ang sumali rito maging ang sensational vlogger-dancer na si DJ Loonyo na mayroong more than 700K views sa YouTube.

Kakaibang sound at LA ang maririnig sa Hibang na balak ni Madam Flor na i-release sa international market. Nakakamit na ni LA ang tagumpay sa kanyang singing career at maging sa pagiging actor ay marami na rin siyang napapabilib.

Yes kahit last year pa ipinalabas ang pelikulang “Maria” na pinagbidahan ni Cristine Reyes sa Viva Films ay pinag-usapan talaga ang tortured scene ni LA dito sa movie na para rin sa amin ay pasado na siyang dramatic actor, at puwedeng magkaroon ng acting award in the future.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

 

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top