Friday , November 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sarah, may mental issue nga ba? (Panunumbat kay Pia, tuloy pa rin)
Sarah, may mental issue nga ba? (Panunumbat kay Pia, tuloy pa rin)

Sarah, may mental issue nga ba? (Panunumbat kay Pia, tuloy pa rin)

MAY pinagdaraanan ang nakababatang kapatid ni Pia Wurtzbach na si Sarah Wurtzbach na nagbunsod para batikusin sa Instagram ang Miss Universe 2015 sa apat o limang sunod-sunod na posts pero biglang nakiusap sa publiko na itigil ang pamba-bash sa kapatid na reaksiyon lang naman nila sa paratang ni Sarah sa ate n’ya at sa ina nilang si Cheryl Alonzo Tyndall.

Nasa London si Sarah, pati na ang kanilang ina, at nasa Pilipinas naman si Pia (batay sa latest Instagram post n’ya noong October 10 at walang kinalaman kay Sarah ang post na ‘yon).

Habang isinusulat ito ay wala pang reaksiyon si Pia sa alin man sa social media accounts n’ya. Ipinagpapatuloy n’ya ang pagpaparamdam ng good breeding na naiulat namin dito rin sa Hataw.

Noong October 11 nagsimulang sunod-sunod na naglabasan ang mga batikos ni Sarah kay Pia. Ang pinakamasamang tahasang sinabi ni Sarah sa ate n’ya sa una n’yang post [published as is] ay: “… Ang baho ng ugali mo. Dami mong kuda pero sorry wala.”

Inulit n’ya ‘yon sa ibang bahagi ng post pero idinamay na ang kanilang ina. Bulalas ni Sarah [published as is]: ”Kung alam lang ng tao kung gaano kabaho ugali nyo ni mama. di porket nananahimik ako ako yung masama.

“Ako pa kailangan lagi magpakumbaba eh ako na nga yung naabuso. T*ng*** nyo @piawurtzbach.”

Ang angal ni Sarah laban sa kapatid ay hindi raw siya sinusuportahan nito. Sa isang post ni Sarah, nabanggit n’yang humiling siya ng tulong pinansiyal kay Pia at parang tumanggi ito at parang may sinasabi siyang may kinalaman sa isang lalaki na posibleng asawa o live-in boyfriend ni Sarah na ang pangalan ay Charlie Mance. 

Diin ni Sarah sa isang post n’ya [published as is] : ”Tapos laging idadamay si Charlie. WALA NAMAN SYA SA USAPAN. Gusto nyo iwan ko kasi walang pera? See? Pera pera pera…”

May linya rin si Sarah sa unang posts pa lang n’ya na [published as is] : ”Nagiisa mong kapatid ayaw mong supportahan tapos mangdadamay ka palagi ng ibang tao na wala naman sa usapan.”

May ilang posts si Sarah na deretsahan n’yang sinusumbatan si Pia tungkol sa mga pagmamalasakit na ginawa nito sa ate n’ya. Ang isa rin ay may kinalaman kay Jeremy Jauncey, ang boyfriend ni Sarah na isang businessman at environment advocate.

Lahad ni Sarah (published as is): ”Iiyak iyak ka sakin dahil nagayaw [away] kayo ni Jeremy tapos dadamayan kita ng isang oras kasi inaaway mo yung tao, kahit na alam kong ang babaw ng dahilan mo sige lang go I’m here for you sis ill give advice pa, pero kapag ako wala. Ano yun? One way system? @piawurtzbach.”

Dagdag pa ni Sarah: ”Triggered ako kasi yung hudas nating nanay, sumira nanaman ng ibang tao. Lumapit sa akin si Jeremy at nagsumbong dahil dun sa video ni mama sa YouTube. Nagkaproblema sya sa clients. Sa akin sya lumapit PARA WALA KANG ANXIETY OR STRESS. AKO ANG SUMALO.

“Kahit ako na nga ang triggered at ako na nga yung depressed dahil kay mami, ako parin ang sumalo para hindi ikaw ang mastress.”

Maraming netizens ang nag-react sa mga post ni Sarah. At ang dami ring biglang naging followers n’ya. Pero sa halip na matuwa siya, pinagsalitaan pa n’ya ang mga bago n’yang tagasubaybay.

Mensahe niya (published as is): ”If your following for the sake of getting some gossip, then just unfollow me.

“I’m not tolerating idi*ts that don’t understand the gravity of the situation.

“Idi*ts.”

Dumagsa rin ang mga nabasa ni Sarah na pamba-bash naman kay Pia dahil sa mga post niya. Ang  haters naman ni Pia ang binalingan ni Sarah. Ang latest post na ito ni Sarah ang nagpapahiwatig na may mental health issues na ang nakababatang kapatid ni Pia.

Mahaba at nakakabalisang post ni Sarah noong October 12 sa London:

“Stop hating on Pia. ”Yes I am angry and I still am, but your negative words will not fix anything.

“If anything, you’re condoning negativity and that’s what’s wrong with the world. 

“I’m fighting a losing battle everyday and I’m sorry if I took it this far, but being silenced for many years takes a toll on you.

“I don’t want fame, or be acknowledged by others, or money, or things.

“I really just want a hug.. I feel so alone everyday.

“Id rather vent my anger however I can, any way I can so long as it can release from within.

“I wanna be able to make it to tomorrow and wake up to my kids knowing that mommy hasn’t given up and she’s staying alive for us.

“Even though it’s easier to just end it all.”

Parang nagbabadya and huling linya ni Sarah.

Ang mismong mister ni Sarah ang bumanggit sa Instagram post nito kamakailan na may “mental health issues” ang misis n’ya.

Harinawa’y ipagkaloob na ni Pia kay Sarah kahit virtually lang ang “hug” na inaasam nito. Sana’y gawin din ‘yon ng kanilang ina. At pwede nilang gawin ‘yon na ‘di muna daraan sa social media. At saka na lang ang mga post sa social media kapag ayos na ang lahat, lalo na ang kapakanan ni Sarah na may dalawang anak na mga paslit pa.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top