Friday , November 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Pia Wurtzbach, ‘di sumipot sa Queentuhan
Pia Wurtzbach, ‘di sumipot sa Queentuhan

Pia Wurtzbach, ‘di sumipot sa Queentuhan

FOR the first time mula noong naging host siya ng online weekly talk show na Queentuhan, hindi nakasipot si Miss Universe 2015 Pia Wurtz­bach  noong gabi ng Martes, October 13. (Queentuhan na letter “u” ang gamit, hindi “o,” dahil may ibang online show na Queentohan ang titulo at iba rin ang mga host ng show.)

Co-hosts ni Pia sa Queentuhan ang kapwa beauty queens n’ya at mga kaibigang sina Bianca Guidotti (Binibining Pilipinas International 2014) at Carla Lizardo (Mutya ng Pilipinas Intercontinental 2010).

Nasa second season na ang Queentuhan at  ayon sa website na Philippine Entertainment Portal (PEP), ‘yon ang unang beses na hindi nakasipot si Pia sa pagtatanghal.

Malamang na maging kontrobersiyal ang absence ni Pia dahil tumaon ito sa paglaganap ng recent issue tungkol sa mga akusasyon sa kanya ng nakababatang kapatid na si Sarah Wurtzbach na matagal nang naninirahan sa London, England.

Pinag-usapan ang sunod-sunod na Instagram posts ni Sarah noong Linggo, October 11. Sa mga iyon inilabas ni Sarah ang mga sama ng loob n’ya sa kanyang ate, sabay ng panunumbat sa mga pabor na umano’y ginawa niya para sa Miss Universe 2015. Damay din sa mga sama ng loob ni Sarah ang mga umano’y hindi rin mabuting pakikitungo sa kanya ng kanilang inang si Cheryl Alonzo Tyndall.

Bakit absent si Pia sa Queentuhan?

Ani Carla, ”Unfortunately, si Pia will not be able to join us tonight, kasi mayroon na siyang work scheduled months ago that, un­fortunately, coincided with our schedule.”

Pero paniniyak ni Carla, ”But don’t worry because, of course, she will be back for our next episode.”

Gayunman, ang October 13 episode ay ipinalabas pa rin sa YouTube channel ni Pia. Umeere rin simultaneously ang program sa Facebook at Spotify.

Samantala, naka-public na uli simula rin noong October 13 sa London ang Instagram account ni Sarah, dalawang araw matapos niya itong ilagay sa private mode.

Nag-private mode si Sarah matapos mag-viral ang sunod-sunod niyang Instagram Story na naglalaman ng mga hinaing n’ya kay Pia.

May nai-post na rin si Sarah sa Instagram Story n’ya tungkol sa kanilang magkapatid. Nagpasalamat siya sa mga taong nakipag-ugnayan sa kanya na nakisimpatiya.

Mensahe ni Sarah, ”To all the people that took their time to share their stories with me, about hardships in life and about everything else left unspoken.

“I hear you. I feel your pain. I’m with you.

“Thank you for tonight, it brings me joy for us to find peace in turmoil.

“You know who you all are.” [heart emoji]

Samantala, wala pa ring reaction si Pia sa social media accounts n’ya tungkol sa mga hinaing ni Sarah sa kanya. May Instagram, Facebook, at Twitter si Pia. Pare-pareho ang mga laman niyon. Habang binabasa n’yo ito, six or seven days nang walang bagong post ang Miss Universe 2015. 

Sa Instagram n’ya na @piawurztbach, heto ang post n’ya noong October 14: ”It’s been more than a year since I moved into my new condo, and it’s been super fun! There’s really no place like home, sabi nga nila. 

“Kayo, how do you find condo living—what are your thoughts and reservations about it? Comment below and I’ll go over them in my special webisode this month with Century Properties.”

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

 

 

About Danny Vibas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top