Sunday , May 9 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Aktor, bigay-todo kay gay politician lover (Takot kasing magutom)
Aktor, bigay-todo kay gay politician lover (Takot kasing magutom)

Aktor, bigay-todo kay gay politician lover (Takot kasing magutom)

MALIIT lang ang kinita ng male star sa isang ginawa niyang indie, at mukhang wala naman siyang makukuhang assignment sa ngayon mula sa kanyang network na limitado rin ang produksiyon. Iyon ang dahilan kung bakit sa tuwing ipatatawag siya ng kanyang gay politician lover, hindi maaaring hindi siya magpunta.

 

Natatakot siyang iwanan din siya niyon. Sasabit ang panggastos hindi lang ng pamilya niya, kundi pati ang mga magulang niya at mga kapatid na wala rin namang kinikita at umaasa sa kanya. Noon kasing dati, nagkaroon na siya ng isang gay politician lover, pero dahil may career pa, maarte pa siya. Iniwan siya, at ang nangyari, nahirapan naman siya nang husto sa buhay. Nagulo rin naman kasi ang career niya dahil sa sulsol sa kanya ng ibang gays na iba naman pala ang hangad sa kanya.

 

Kaya ngayon, ano man ang sabihin ng gay lover niya, sumusunod na siya. Dahil kung hindi nga naman at iwanan na naman siya niyon, nganga siya. (Ed de Leon)

 

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top