Tuesday , November 24 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sanya may Bong na, may Gabby pa
Sanya may Bong na, may Gabby pa

Sanya may Bong na, may Gabby pa

MATUNOG si Sanya Lopez sa netizens bilang kapalit ni Marian Rivera sa binitawang series na First Yaya.

Ngayong araw na ito, Lunes, magkakaroon ng announcement sa 24 Oras kung sino ang napili ng GMA Entertainment group.

Eh wala namang isyu kay Yan na palitan siya. Umatras siya sa project dahil sa Covid-19 lalo na’t may dalawa siyang batang anak at nagpapadede pa sa bunsong anak.

Kung si Sanya nga ang napili, suwerte niya dahil siya rin ang leading lady ni Senator Bong Revilla, Jr. sa weekly program nitong  Agimat na sa October 25 ang pilot telecast.

May Bong na si Sanya, may Gabby Concepcion pa na leading man niya sa First Yaya, huh!

I-FLEX
ni Jun Nardo

About Jun Nardo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top