Friday , December 4 2020
Breaking News
You are here: Home / News / No. 1 wanted karnaper timbog sa Marikina
No. 1 wanted karnaper timbog sa Marikina

No. 1 wanted karnaper timbog sa Marikina

ARESTADO ang isang 44-anyos top most wanted na karnaper nang masakote ng tropa ng intelligence unit ng pulisya sa Barangay Fortune, sa lungsod ng Marikina, noong Sabado ng gabi, 10 Oktubre.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Eduardo Odibellas, 44 anyos, No. 1 most wanted ng Eastern Police District (EPD) sa kasong carnapping at nakatira sa nabanggit na lugar.

Sa ulat ng pulisya, dakong 6:20 pm noong Sabado, natunton sa kaniyang pinagtataguan ang suspek sa Barangay Fortune ng mga tauhan ng EPD Intelligence Unit bitbit ang warrant of arrest laban kay Odibellas.

Base sa inilabas na warrant of arrest laban sa suspek ni Hon. Judge Acerey Pacheco, Presiding Judge ng Branch 165 ng Marikina RTC, may kaso siyang paglabag sa RA 10883 o Anti-Carnappign Law na may rekomen­dasyong piyansa na P300,000.

Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa detention cell ng EPD.

(EDWIN MORENO)

About Ed Moreno

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top