Friday , December 4 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Fans, nabibitin sa Temptation of Wife
Fans, nabibitin sa Temptation of Wife

Fans, nabibitin sa Temptation of Wife

HINDI pinalampas ng mga manonood at netizens ang pagbabalik ng Temptation of Wife sa telebisyon simula nitong Lunes (October 5).

Marami ang naka-miss sa mga karakter nina Marian Rivera, Dennis Trillo, Glaiza De Castro, at Rafael Rosell sa Philippine adaptation ng Korean drama na unang ipinalabas sa GMA-7 noong 2012. Hanggang ngayon, ramdam pa rin ang kapana-panabik na kuwento at mga bigating eksena sa serye.

Ayon sa user na si @theonlyMengYoon, ”Done na manood ng Temptation of Wife sarap lang balikan hahahaha. Nangigigil nanaman ako kay Heidi.” 

May mga nagre-request pa nga ng mas mahabang timeslot para sa programa.

“Nabitin kami dun ah!,” tweet ni @potpotgalwell.

Subaybayan ang kuwento ng pakikiapid at paghihiganti sa Temptation of Wife mula Lunes hanggang Sabado, bago mag-Eat Bulaga GMA-7.

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top