Friday , November 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ate Lita, Beverly, at Patrick, ayos ang kabuhayan sa Canada
Ate Lita, Beverly, at Patrick, ayos ang kabuhayan sa Canada

Ate Lita, Beverly, at Patrick, ayos ang kabuhayan sa Canada

PARANG hindi naman totoong malungkot ang darating na Pasko dahil sa pandemic na Covid-19.

 

Mula kasi sa Toronto, Canada ay tumanggap kami ng maagang Christmas gift galing sa dating movie producer na si Ms. Isabelita Santos.

 

Kilala siya sa pangalang Ate Lita at takbuhan ng mga artista at staff ng kanyang production ng mga kailangan.

 

Buhat noong mag-quit siya sa pagpo-produce ay sa Toronto, Canada na nanirahan kasama ang pamilya niya.

 

Kuwento ni Ate Lita nagkakausap-usap sila ng mga dating artista tulad nina Beverly Vergel at Patrick Guzman. Nanalo pa nga si Beverly ng award sa documentary pictures at nagdidirehe rin siya ng pelikula roon.

 

Nasa Canada rin ang mga katotong writer na sina Nap Alip at Baby K Jimenez. Sabi ni Ate Lita, kailangan huwag tayong patatalo sa mga negatibong dahilan habang nakikipaglaban sa salot galing ng China. Huwag ding bibitaw kay Lord.

SHOWBIG
ni Vir Gonzales

About Vir Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top