Tuesday , September 23 2025
Medicine Gamot

P2.2-B expired, overstocked na gamot, ipamudmod — Palasyo

 IPAMAHAGI ang mahigit P2 bilyong halaga ng gamot na malapit nang mag-expire at nakatambak lamang, gayondin ang medical, at dental supplies.

Direktiba ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Health (DOH) kasunod ng lumabas na Commission on Audit (COA) 2019 annual audit report na nagtatago ang DOH ng mahigit P2 bilyong halaga ng  “expired, overstocked or nearly expired medicines as well as medical and dental supplies.”

“Ang mandato po ng Presidente sa DOH lalo iyong mag-i-expire na, paki-distribute na po nang hindi masayang at iyong mga overstock at slow moving naman po ay ilabas na po natin sa ating mga warehouse nang magamit ng ating kababayan,” sabi ni Roque sa virtual press briefing sa Malacañang.

Sinabi ng COA na ito’y bunga ng labis na paggasta ng DOH sa mga bagay na hindi ganoon karami ang pangangailangan.

Inirekomenda ng COA sa DOH na repasohin ang mga kontrata, lalo sa suppliers at maging maingat sa paggasta ng pera ng bayan, magpatupad ng estriktong timeline sa distribution/transfer ng inventories, at madaliin ang pamamahagi ng mga malapit nang mag-expire na mga gamot.

Walang binanggit si Roque kung dapat magsagawa ng imbestigasyon ang DOH sa isyu upang matukoy ang dapat managot. (ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

bagyo

Super Typhoon Nando lalong lumakas; klase, pasok sa gobyerno suspendido

IDINEKLARA ng Malacañang ang suspensiyon ng mga klase at pasok sa mga tanggapan ng pamahalaan …

Karahasan sa mga kilos protesta 72 arestado sa Maynila

Karahasan sa mga kilos protesta 72 arestado sa Maynila

DINAKIP ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang hindi bababa sa 72 indibiduwal …

Celebrites Rally Protest

Entertainment sector lumahok sa protesta vs multi-trilyong korupsiyon

BUKOD sa sektor ng mga relihiyoso, lumahok sa panawagan ng publiko na labanan ang malawakang …

Protest Rally

Sa P3-trilyong anomalya sa flood control projects
MALAWAKANG PROTESTA ‘BUMAHA’ SA BUONG BANSA

LIBO-LIBONG indibiduwal ang nagtipon-tipon sa EDSA People Power Monument nitong Linggo, 21 Setyembre, bilang protesta …

Bulacan Police PNP

3 MWP tiklo sa Bulacan

ARESTADO ang tatlong indibidwal pawang may pinaghahanap ng batas at may kinakaharap na mga kasong …