Friday , November 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / The Clash Season 3, top trending topic nationwide
The Clash Season 3, top trending topic nationwide

The Clash Season 3, top trending topic nationwide

INABANGAN at tinutukan ng Kapuso viewers ang premiere ng season 3 ng all-original musical competition ng GMA Network na The Clash.

 

Nitong Sabado (October 3), top-trending topic nationwide sa Twitter ang official hashtag na #TheClash2020.

 

Sey ng netizens, world-class talaga ang stage at opening performance na inihandog nina Clash Masters Rayver Cruz at Julie Anne San Jose, Journey Hosts Rita Daniela at Ken Chan, at ng Clash Panel na sina Lani Misalucha, Christian Bautista, at Aiai Delas Alas.

 

Nagpabilib din ang mga unang Clashers na sumalang sa arena, at mula sa 30 ay 24 na lang ang natitira para maglaban-laban. Ano-ano kayang twists ang nag-aabang para sa kanila?

 

‘Wag palalampasin ang The Clash Season 3, tuwing Sabado (7:15p.m.) at Linggo (7:45 p.m.) sa GMA-7.

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top