Friday , November 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Gabbi Garcia, sunod-sunod ang blessings kahit may pandemic
Gabbi Garcia, sunod-sunod ang blessings kahit may pandemic

Gabbi Garcia, sunod-sunod ang blessings kahit may pandemic

MAY pandemic man, hindi ito naging hadlang para makatanggap ng sunud-sunod na blessings sa career at personal na buhay ang Kapuso Global Endorser na si Gabbi Garcia. 

 

Blessed talaga ang aktres dahil bukod sa endorsements na nakukuha ay lalong tumatatag ang kanyang relationship with Khalil Ramos. Kitang-kita rin na blooming ang All-Out Sundays star sa kanyang mga photo at YouTube vlogs.

 

Kamakailan ay ipinamalas niya ang husay sa pagiging isang licensed scuba diver sa naging date nila ni Khalil sa Batangas. Dito, tinuruan niya ang nobyo sa basics ng pagda-dive kasama ang ilan pang mga kaibigan.

 

Samantala, patuloy na napapanood si Gabbi sa weekend variety show na All-Out Sundays at sa rerun ng Encantadia gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top