Tuesday , April 23 2024

Curfew sa menor de edad ituloy

BINABALAK ng Metro Manila Council na tanggalin na ang curfew hours sa kalakhang Maynila, okey naman ito pero para sa menor de edad huwag muna sana at kung maaari ituloy-tuloy na. ‘Wag na munang payagan ang mga menor de edad na lumabas pa ng kanilang bahay pagsapit ng 10:00 pm.

Ito ay sa kadahilanang marami sa kabataan ngayon ang lulong sa mobile legend games, at mahilig tumambay sa labas ng kanilang mga bahay.

Siyempre kung papayagan na buksan ang mga computer shops siguradong muling malululong ang mga kabataan na walang internet sa kani-kanilang bahay dahil limitado ang gamit kapag nasa mga bahay dahil bantay sarado ng kanilang mga magulang na ginagamit lamang ang internet sa kani-kanilang online studies.

Sana pag-aralan ng Metro Manila Council ang pag-aalis ng curfew hours, isaalang-alang ang magiging epekto nito sa mga kabataan partikular sa mga menor de edad.

 

MAS MAINGAT SI DIGONG KAY TRUMP

Mas naging maingat si Pangulong Rodrigo Duterte kompara kay US President Donald Trump, na nag-positibo sa CoVid-19 at kasalukuyang ginagamot sa isang US military hospital.

Marahil ay dahil ang bansang Amerika ang nangunguna sa bilang ng apektado ng CoVid kaya ‘di nakaligtas si Pres. Trump o sadyang matibay ang ating Pangulo na pati corona­virus ay takot, o sadyang malakas ang immune system ni PRRD dahil marani pang haharapin na problema sa ating bansa.

 

NATIONAL ID REGISTRATION SA OKTUBRE 12 SISIMULAN

Kung sisimulan ang pagkakaroon ng National ID sa ating bansa, sana walang ID sa iba’t ibang ahensiya na ire-release pa dahil ang National ID ang magpapatunay na isa kang Filipino Citizen.

Ang National ID ay isang indikasyon o pagpapatunay na puwede kang bomoto sa election, at magagamit na bilang lisensiya sa maraming bagay.

Dapat tukuyin ng pamahalaan ang kahalagahan ng National ID para naman maintindihan ng taong bayan.

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

About Amor Virata

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *