Tuesday , November 24 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Impluwensiya ni Cayetano, bawas na — Atienza
Impluwensiya ni Cayetano, bawas na — Atienza

Impluwensiya ni Cayetano, bawas na — Atienza

NABAWASAN na ang lakas at impluwensiya ni House Speaker Alan Peter Cayetano sa 304-member ng legislative chamber para patuloy na hadlangan ang term-sharing agreement na ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Buhay Party-list Rep. Lito Atienza, naharap si Cayetano sa isang mahirap na sitwasyon matapos maglunsad ng loyalty check na humantong sa pagtanggal kay 1PACMAN Rep. Mikee Romero bilang deputy speaker.

“Alan (Cayetano) has lost a lot of support (following Romero’s removal as deputy speaker),” wika ni Atienza, na mayroong impluwensiya si Romero sa party-list coalition, na may 54 miyembro.

Sinabi ni Atienza, sigurado rin siya na ang President’s political party, PDP-Laban, ay susuporta rin kay Velasco na may kabuuang 65 House members na kabilang sa PDP-Laban.

“I am sure hindi hihiway ang mga political chieftains kay Presidente,” pahayag ni Atienza.

Ang National People’s Coalition, na mayroon 35 miyembro sa Lower House, ay sinusuportahan din ni Velasco bilang tagapagsalita.

“All he (Velasco) has to do is call the smaller groups,” ani Atienza.

Ayon kay Atienza, karamihan sa mga pro-administration lawmakers ay nadesmaya sa patuloy na pagtanggi ni Cayetano na igalang ang kasunduan sa term-sharing sa speakership, na itinuring ng marami na pagsuway sa kagustohan ng Pangulo.

“The President was clear in his statement that he wants the term-sharing honored by both camps. That was what the President said, so honor your word,” wika ni Atienza kay Cayetano.

Bukod sa Nacionalista Party, na siya ay kabilang, suportado si Cayetano ng 43-member ng National Unity Party (NUP), na pinamumunuan ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga.

Gayonman, sinabi ni Atienza na maaaring mapunta sa minorya ang NUP.

“May paglalagyan si Cayetano,” pagtatapos nito.

Sa panig ni Oriental Mindoro Rep. Doy Leachon, ang inasta ni Cayetano kagaya ng pagsibak kay Romero ay nagdulot ng sama ng loob sa mga kongresista.

“These repressively draconian stunts being shown  by the House leadership like the unceremonious stripping off from key positions of perceived non-allied leaders do not in anyway sow harmony among house members,” ani Leachon.

“Worse,  if these would carelessly persist, the unnoticed growing resentment among congressmen particularly on the issue of  their immensely inequitable district budget allocation might later be blown out of proportion to the detriment of the country’s budget on-going deliberation, the urgent legislative priorities and the consequential  stained image  of Congress by reason of the power struggle,” pangamba ni Leachon. (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top