Friday , October 30 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Enrique, sobrang dinamdam ang pagkawala ng kanyang Abuelita
Enrique, sobrang dinamdam ang pagkawala ng kanyang Abuelita

Enrique, sobrang dinamdam ang pagkawala ng kanyang Abuelita

NAGDADALAMHATI ngayon si Enrique Gil sa pagpanaw ng kanyang lola na nakatira sa Spain. Nag-post siya ng message sa Instagram account niya para sa kanyang lola na kung tawagin niya ay Abuelita.

Kalakip nito ang kanilang family photos. At ang kanyang mensahe, published as is, ”I’m lucky to say i have the coolest grandmas in the world and im not just saying that my abuelita acted like she was just our age but even cooler she’s a legend a rockstar and the sexiest and funniest abuela ever. I know you’re happy to be together with papa and tita gina watch over us please, till we drink and see each other again hasta luego mi amor.”

Ang girlfriend at ka-loveteam ni Enrique na si Liza Soberano, ay nagpaabot ng pakikiramay sa kanya sa pamamagitan ng Instagram stories.

Ipinost din ng aktres ang picture na kuha sa Spain na kasama niya ang lola ng aktor noong na-meet niya ito. Ang mensahe ni Liza sa lola ni Enrique, ”Rest in peace with our creator Abuelita. You fought long and hard. I’m sad we didn’t get to see you one last time. I will always take care of Quen like I promised you. I love you.”

Ang taos puso naming pakikiramay kay Enrique at sa buo niyang pamilya.

MA at PA
ni Rommel Placente

 

About Rommel Placente

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top