Friday , October 30 2020
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Ruth Vega waging Miss Millennial 2020 (Beauty and Brains)
Ruth Vega waging Miss Millennial 2020 (Beauty and Brains)

Ruth Vega waging Miss Millennial 2020 (Beauty and Brains)

NAKORONAHAN at itinanghal Miss Millennial Philippines 2020 quarantine edition si Niña Ruth Vega, anak ng dating police beat reporter na si Vic Vega ng Manila Bulletin at Sports Reporter na si Virgie Rodriguez Vega.

Napabilib ni Ruth ang mga hurado sa kanyang sagot sa question and answer portion nang tanungin siya:

“If you win tonight, how can you contribute ‘Millennial Spirits’ to other?”

Ang sagot ni Ruth, “If Iwill be the one who will win the crown tonight, it would be an honor, worthy of appreciation, this can become my key to spread love, happiness and moral lesson to the youth by the use of my voice and social media, I can use this platform to encourage more people to be positive during this tough times we need each other. And also becoming a role model for the upcoming generation because I do believe, united as one would be an impact for the greater good of the society.”

Namumukod tangi rin si Ruth kompara sa 44 magagandang binibini mula sa iba’t ibang bayan at lalawigan na kanyang nakatunggali sa search for Miss Millennial Philippines 2020.

Bukod sa korona ay nakuha rin ni Ruth ang mga major at special awards na Best in Resorts Wear, Best in Catwalk, Peoples Choice Award, Best in Pageant Walk, Best in Photo, Best in Designer’s Choice Formal Wear at Elsie Delos Reyes Creations Ambassadress.

Taos pusong nagpapasalamat si Ruth, una sa Panginoon, sa kanyang pamilya, kaibigan at lahat ng taong tumulong at sumuporta para makamit niya ang tagumpay sa nasabing competition.

“God’s timing is always perfect. Thank you Lord, thank you to my family and friends. Thank you to the organizer of the pageant P4 sir Kenneth Nabua, thank you so much to my coach and handler Brylle Solidum, Garcia Sullano and  photogs Januz Morrisey Lugay, I love you all,” pahayag ni Ruth.

Matapos ang koronasyon kamakalawa ng gabi ay pinaghahandaan na ngayon ni Ruth at coach Brylle ang isang International competition na gaganapin sa Thailand sa susunod na taon para katawanin ang Filipinas.

Ang 17-anyos na si Ruth ay tubong Las Piñas City, dangal, karangalan at ehemplo ng mga kabataan sa Las Piñas.

Si Ruth ay kinoronahan din bilang Miss Teen Glam Philippines 2020 at kauna-unahang Miss Magnetico Philippines World 2019.

Grade 11 student siya sa University of Perpetual Help, System Dalta, Las Piñas Campus.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top