Tuesday , November 24 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Pag-aalala ni Kathryn sa mga kababayan sa Cabanatuan, pinawi ng San Miguel

Pag-aalala ni Kathryn sa mga kababayan sa Cabanatuan, pinawi ng San Miguel

GUSTUHIN mang umuwi ni Kathryn Bernardo sa bahay niya sa Cabanatuan hindi puwede dahil sa trabaho at travel restrictions. Kaya naman ganoon niya ito ka-miss

“Nitong past few months noong nag-start ng lockdown, hindi na talaga ako nakauuwi kahit gustong-gusto kong umuwi at miss na miss ko na ‘yung Cabanatuan at saka ‘yung house namin. Medyo nakalulungkot lang pero blessed pa rin po dahil maraming work na dumarating.

“Si Papa na lang ang laging lumuluwas to meet us dito sa Manila dahil mabilis na ang byahe ngayon pauwi at papunta ng Nueva Ecija,” ani Kathryn.

Nag-aalala rin kasi si Kathryn sa kanyang kalusugan gayundin sa mga kababayan niya sa Nueva Ecija na apektado ng pandemya.

“I know it’s difficult to be positive nowadays but we have to persevere for the sake of our loved ones. As I always say, ‘di naman po tayo bibigyan ng pagsubok na ‘di natin kayang lampasan. But we have to take care of our health, asset po natin ‘yan sa panahong ito,” sambit pa ng aktres.

Medyo napawi lang ang pag-aalala ng aktres nang malaman niyang magtatayo ang San Miguel Corporation ng airport sa Bulacan. At bilang endorser ng mga brand ng San Miguel Corporation tulad ng Magnolia Ice Cream, San Mig Coffee Crema White, at Nutrichunks, natutuwa siya na magtatayo ang kompanya ng Manila International Airport at economic zone. Naniniwala siya na makatutulong ito sa ekonomiya ng bansa at maging sa Nueva Ecija.

“Marami talagang nawalan ng work nitong pandemic. It breaks my heart to see people losing jobs and unable to provide for their families. If possible nga na magawa na ‘yan agad so we can already attract businesses and give people jobs. A lot of people really need help right now. In our personal capacity, what we can do is to help the people around us as much as we can. But for the long-term, jobs po talaga ang kailangan,” sambit pa ni Kathryn.

Bukod pa na makatutulong din ito sa mga negosyante at magsasaka na gumagawa ng pagkain at raw materials. “If you need to transport products quickly or perishable ‘yung goods mo, big advantage ‘yung magkaroon ng accessible na airport like the one sa Bulacan. I’m sure this is a positive sign for many businesses in Nueva Ecija and even as far as the north like Baguio, Pangasinan, and Ilocos. Mahirap isipin now because a lot of businesses are struggling, but when the time comes na matapos na ‘yung pandemic, then the airport will be ready and we can start and help a lot of people recover.”

Dagdag pa ng ka-loveteam ni Daniel Padilla na mabubuksan din ang Luzon, kabilang ang kanyang probinsiya sa mga turista, lalo na sa mga taga-ibang bansa dahil mas madali na nga namang makabiyahe.

“From our house in Cabanatuan, it’s either we use Clark or go straight to NAIA to fly out. But in Manila, I always have to brave the traffic going to the airport and it is difficult ‘pag naghahabol ng flight. We all experience this naman po, we have to be there hours before our flight,” giit pa niya.

“But with the new airport, there’s another better option. And from what I heard, it’s going to be really big, spacious and modern. If sanay ka sa big airports like in Japan, Korea and in Europe, it’s going to be that big and I’m proud to be part of the San Miguel family that is making this happen,” dagdag niya.

“Matagal na ‘yung San Miguel, and maganda ‘yung reputation niya so I’m sure like sa TPLEX sa amin sa Nueva Ecija and ‘yung iba pang projects nila ay maganda rin ‘yung quality ng work, like their products that I endorse. Hopefully, ‘pag maagang natapos ‘yung Bulakan airport at may time at pwede nang magbakasyon, makakasakay din ako riyan. Just praying and hoping na matapos na po itong crisis para we can live our lives normally like we are used to,” sambit pa ni Kathryn.

Sa gitna ng pademya, tuloy tuloy pa rin ang trabaho para kay Kathryn. Kailangan nga lang ng ibayong pag-iingat kaya’t naka-lock-in lang sila sa isang lugar at bawal ang outside contact habang may shooting o taping.

“Marami pa rin pong projects and right now we really have to stay in a bubble, as in we have to stay in one place para mabawasan ‘yung chances na magka-Covid 19. So most of the time I’m away talaga from home. We know it’s for the welfare of everyone so we have to very conscious and compliant with health regulations like washing of hands, wearing masks and social distancing,” wika pa niya.

“I encourage everyone po to please be mindful of the safety of others around you and always practice safety measures sa panahon na ito. Huwag po tayo magpabaya. Kakayanin po natin ito,just keep praying and helping our families and friends,” payo ng aktres. (MVN)

–30—

About Hataw Tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top