Tuesday , June 15 2021
Breaking News
You are here: Home / News / Dalaga timbog sa buy bust sa Laguna
Dalaga timbog sa buy bust sa Laguna

Dalaga timbog sa buy bust sa Laguna

ARESTADO ang isang 23-anyos dalaga nang pumasok sa bitag ng mga awtoridad sa ikinasang buy bust operation sa bayan ng Sta. Cruz, sa lalawigan ng Laguna, nitong Lunes ng gabi, 28 Setyembre.

 

Sa ulat ng pulisya, naganap ang transaksiyon sa pagitan ng police poseur buyer at ng suspek dakong 11:00 pm sa Caballero St., Monserat Subd., Barangay Sto. Angel Sur, sa naturang bayan.

 

Nasamsam mula sa suspek ang apat na piraso ng maliit na selyadong sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P56,400, isang P500 bill na ginamit bilang marked money at nasa loob ng isang coin purse.

 

Dadalhin ang mga nakompiskang ebidensiya kasama ang suspek sa RCLO, sa Camp Vicente Lim, sa lungsod ng Calamba, sa parehong lalawigan para sa pagsusuri sa laboratory.

 

Ayon Kay P/SSgt. Jeson Peñamante, may hawak ng kaso, kabilang ang suspek sa watchlist ng mga drug personality.

 

Kakaharapin ng suspek ang kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article II ng RA 9165 o Comprehensive Drugs Act of 2002. (BOY PALATINO)

 

 

 

 

About Boy Palatino

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top