Wednesday , November 5 2025

Carmi sa two week quarantine– Spending time with God will always be the best

LUMUTANG bigla sa social media si Carmi Martin para ipagsigawan na Covid-19 free na siya! Siya ang latest celeb na tinamaan pero naging tahimik lang siya sa nangyari.

Walang nakaaaalam na sumailalim sa swab test si Carmi last September 13 sa Philippine National Red Cross at positive ang resulta nang makuha kinabukasan.

Ayon sa post ng aktres, wala siyang symptoms. Eh dahil positibo, nag-self isolation siya na tinawag niyang, “honeymoon with God.”

Nagdasal para sa sarili at para sa iba, kumanta para kay Lord at nakinig sa mga preaching araw-araw, nag-exercise, kumain ng healthy, at naging positibo ang attitude.

Sa huling bahagi ng post ni Carmi, “My two-week quarantine was so precious because spending time with God will always be the best.

“Praise God for I am no COVID-19 free!” deklara ni Carmi.

Nagpaabot naman ng panalangin at pasasalamat ang ilan niyang kaibigan na sina Zsa Zsa Padilla, Arlene Muhlach, at Boobay.

Ilan pa sa local celebs na nakaligtas sa Covid ay sina Michael V, Enzo Pineda, Christopher de Leon, at ang broadcaster na si Howie Severino.

–30–

Jun Nardo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Marco Masa Ashley Sarmiento Eliza Borromeo

AshCo fans nanggagalaiti kay Marco

MA at PAni Rommel Placente MARAMING nagagalit ngayon kay Marco Masa na mga faney ng loveteam nila …

Ellen Adarna Modesto

Ellen ikinaloka hirit ni Elias sa pera

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST si Ellen Adarna ng isang funny video sa kanyang IG account na nagkukumbinsi …

Rodjun Cruz Joaquin

Rodjun sinasanay na si Joaquin, susunod sa yapak

MATABILni John Fontanilla PINASALAMATAN ng kauna-unahang champion ng Stars On The Floor na si Rodjun Cruz ang kanyang pamilya …

Bianca Tan Meowffin Town Cat Cafe

Bianca Tan protektado fur babies sa negosyo

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging aktres ay pinasok na rin ang pagnenegosyo ni Bianca Tan via …

Jovan Dela Cruz Alexis Castro

Celebrity designer Jovan Dela Cruz nagbukas ng 4 na negosyo

MATABILni John Fontanilla BUKOD sa pagiging sikat at celebrity designer, may iba’t ibang negosyong binuksan …