Saturday , October 31 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / BLIND ITEM: Direk walang dala, nambiktima na naman ng aktor

BLIND ITEM: Direk walang dala, nambiktima na naman ng aktor

NAKU iyang si Direk, walang kadala-dala. Minsan napatalsik na nga siya sa trabaho dahil sa ginagawa niyang ganyan, hindi pa pala tumitigil. Nakisabay daw si direk sa isang male star pauwi, dahil wala siyang dalang kotse. Payag naman ang male star. Kaso nang nakasakay na si direk, bigla niyang hinipuan ang male star. Tumatanggi ang male star, pero hindi nagpapigil si direk at nagpatuloy sa paghipo sa maselang bahagi ng male star, na wala namang magawa dahil nagda-drive iyon. Nahihiya rin naman siyang magwala at ibaba si direk.

Pinagtiisan na lang daw ni male star ang paglamas ni direk sa kanyang private parts hanggang sa makababa iyon, pero sinasabi niya ngayon na kahit na kailan hindi na niya isasabay iyon sa kanyang sasakyan. Nagwa-warning na rin siya sa mga kaibigan niya na iwasan si direk kung ayaw nilang mangyari rin sa kanila ang ginawa niyon sa kanya.

–30—

Ed de Leon

About Hataw Tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top