Friday , October 30 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Chad Kinis, pakipot sa laplapan scene!
Chad Kinis, pakipot sa laplapan scene!

Chad Kinis, pakipot sa laplapan scene!

Nakatatawa ang second teaser ng movie nina Chad Kinis na mapanonood sa YouTube channel ng heyPogi ang second teaser ng Beki Love (BL) series na Beki Problems.

 

Nilaplap ng character ni Lance (Ardel Presentacion) ang pakipot na si Diony (Chad Kinis) — outdoor.

 

Umaayaw ang bakla at pilit na kumawala sa paninibasib ng pogilicious na binata.

 

Ang sabi, sinapian raw ba ni Chokoleit ang kissable na si Chad? Sa kanya ba dapat na isalin ni Yayo Aguila ang korona bilang Laplap Queen? Mas glorious ba si Chad compared kay Angel Aquino? Hahahahahaha!

Sina Chokoleit, Yayo, at Angel ay laban-to-death sa laplapan. Itong si Chad ay comparable sa matimtimang birhen ang dating.

 

Hindi niya ma-take na nilalantakan ng isang lalaki ang kanyang kaibig-ibig na mga labi. Hahahahaha!

In three days’ time, almost 3 million na ang nakuhang views ng teaser ng Beki Problems sa FB page ni Chad.

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

About Pete Ampoloquio Jr.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top