Friday , October 30 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Alden, pinaka-in-demand na artista ngayong pandemic
Alden, pinaka-in-demand na artista ngayong pandemic

Alden, pinaka-in-demand na artista ngayong pandemic

FINALLY, magsisimula na ang weekly drama na I Can See You series ngayong Lunes, Sept 28. Bale sina Alden RichardsJasmine Curtis, at Pancho Magno ang mga artistang itatampok sa Love On The Balcony edition ng I Can See You bilang pilot episode.

 

Ibinahagi ng tatlo ang karanasan nila sa taping sa new normal. Sumunod  ang lahat sa safety protocols. Ilan beses nang naranasan ni Alden magpa- swab at puro negative naman. Kasi nga naman before and after ng lockdown taping ay kailangan nilang mag-swab at quarantine. Kaya hindi na siya nakauuwi sa Sta Rosa, Laguna lalo na at may mga matatanda sila roon.

 

Aminado si Alden sa gitna ng pandemya siya ang pinaka in demand at pinaka-busy na artista at nagpapasalamat naman siya sa dami ng blessings na dumarating sa kanya. Kaya naman nagse-share siya ng blessing sa ibang tao maski sa ilang kasamahan niya sa showbiz na nangangailangan din ng tulong. Kaya naman binibigyan din siya ng blessings ng nasa itaas ay para makatulong siya sa kapwa.

 

Nalalapit na rin ang anniversary concert niya sa December kung hindi ako nagkakamali. Abangan natin ‘yan .

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

About Joe Barrameda

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top