Friday , October 23 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kitkat, masaya sa magandang feedback sa noontime show nilang Happy Time
Kitkat, masaya sa magandang feedback sa noontime show nilang Happy Time

Kitkat, masaya sa magandang feedback sa noontime show nilang Happy Time

SOBRANG happy ng versatile na singer/comedienne na si Kitkat sa kanilang bagong show titled Happy Time. Kasamang hosts dito ni Kitkat sina Anjo Yllana, at Janno Gibbs.

Ito ay napapanood sa Net25, Eagle Broadcasting Corporation tuwing Lunes hanggang Biyernes, sa ganap na 12 noon hanggang 2 in the afternoon. Ang kombinasyon nina Kitkat, Anjo, at Janno ay sinasabing maghahatid ng saya at pag-asa sa madlang televiewers.

Paano niya ide-describe ang chemistry nilang tatlo?

Tugon ni Kitkat, “Smooth! Parang normal at totoong buhay lang po, hindi po need ng script, kasi iba na po iyong bonding naming tatlo, eh.”

Ipinahayag din niyang nag-eenjoy siya nang husto bilang host ng Happy Time.

Sambit niya, “Sobrang enjoy po at lagi ko pong nilu-look forward na gumising nang maaga, magpunta sa studio, magtrabaho, at makasama iyong dalawang kuya ko na mga batikang komedyante at hosts, ito’y super nakaka-push sa akin.

“Kaya nga po sabi nila kahit gabi na, grabe pa rin energy ko, eh. Gusto ko po kasing ipakita na hindi po sila nagkamali na ako po ay isa sa kinuha nilang host.”

Ano ang na-feel niya nang nagsisimula pa lang silang umere? “Sobra pong excited at kinakabahan pero more on super-excited, kasi kapag nagpe-perform po talaga ako or basta may hawak na akong mic, super nakaka-happy at therapy po talaga sa akin sa anxiety disorder ko.”

Idinagdag pa ni Kitkat na masaya siya na naging tatlo silang hosts dito nina Anjo at Janno. “Sobrang saya po at ang gaan po, gustong-gusto ko pong kasama si kuya Janno sa stage, lalo na po kapag kantahan na.

“May mga tanong ako sa kanya about sa pagkanta, sa ‘pag-second voice, etcetera.  Marami po kaming kuwentuhan, ‘tsaka sabi pa nga niya na kapag gagawa ako ng album o kanta, siya raw ang magpo-produce, eh. Hehehe.

“Kaya nakakatuwa po talaga, sobra. Actually, masaya po kami ni Kuya Anjo kapag magkasama kami, pero mas pa ngayon na may Janno Gibbs pang nadagdag. Mas maraming kabatuhan, mas masaya po.”

Nabanggit din ni Kitkat na sobrang saya niya dahil sa magandang feedback sa kanilang noontime show.

Esplika niya, “Sobrang nagugulat po ang lahat dahil sinasabi nila parati sa akin, pati sa mga comments na ang alam nila magaling akong singer, actress, at komedyante… hindi nila akalain daw po na magaling din po akong mag-host. Nakakataba ng puso kasi dumarami na pumapaborito sa akin… grabe raw po energy ko at nakaka-happy daw po talaga akong panoorin, good vibes daw po talaga.

“Bagay na bagay daw po ako sa Happy Time. Iyo ang lagi nila sinasabi ‘pag nakita na nila ako, napapangiti sila at nag-aabang, lalo sa hairstyle at pananamit ko raw po. Hindi raw po ako talaga tumatanda, ang liksi-liksi ko raw, ang sarap kong tignan,” masayang wika pa ni Kitkat.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top