Monday , November 17 2025

Jerome at Teejay, ‘di nag-inarte sa shooting ng Ben x Jim

MADALING natapos ang shooting ng BL series na Ben x Jim ng Regal Entertainment na pinagbibidahan nina Jerome Ponce at Teejay Marquez .

Ani Teejay, “Bale five days kami naka-lock in, as in dire-diretso ‘yung shooting naming.

“Masaya ‘yung shooting kasi bukod sa mahusay na actor si Jerome, magaling din ‘yung mga co-actor namin, isama na natin ‘yung magaling naming director at ‘yung staff and crew.

“Isa pa, kaya mabilis na natapos ‘yung shooting namin dahil wala kaming arte-arte rito kung ano ‘yung ipinagagawa sa amin ni Direk ginagawa namin ng maayos para take-one lang.”

Ibinahagi din ni Teejay kung kailan ipalalabas ang Ben x Jim.

“Bale kung hindi end of September baka first week ng October siya ipalabas. Basta abangan na lang nila, dahil tiyak na kikiligin sila sa amin dito ni Jerome ha ha ha, at ‘yung iba pa ha ha ha.

“And marami rin silang kapupulutang aral bukod sa maganda ang pagkakagawa ni Direk sa BL series naming.”

Bukod kina Teejay at Jerome makakasama rin nila sina Kat Galang, Ron Angeles, Johannes Rissler, Sarah Edwarsa, at Cristina Samson. Mula sa panulat at direksiyon ni Easy Ferrer.

John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kiray hihinto muna sa pag-aartista, tutukan nalalapit na kasal at negosyo

MATABILni John Fontanilla PANSAMANTALANG hihinto muna sa pag-aartista si Kiray Celis para mag-focus sa kanyang negosyo, ang …

Nadine Lustre Sierra Madre

Nadine trending sa mala-Sierra Madre photo shoot

MATABILni John Fontanilla VIRAL ngayon sa social media ang mga litrato ni Nadine Lustre na inihahalintulad ito …

Miguel Tanfelix FIberBlaze internet

Miguel nahihilig sa solo backpacker

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOLO backpacker ang peg ni Miguel Tanfelix ngayong ini-enjoy niya ang pag-aabroad. “Mas …

NCCA National Artists

Vilmanian may panawagan sa NCCA 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BINIGYAN kami ng kopya ng mga kapwa Vilmanian ng naging sulat-panawagan nila sa NCCA at CCP …

MTRCB Lala Sotto

Chair Lala Sotto, pinangunahan ang panunumpa ng mga bagong opisyal ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINANGUNAHAN  ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa …